24,301 total views
Isinusulong ng Philippine Health Insurance Corporation ang karagdagang 5% singil sa premium rates ng mga manggagawa ngayong taon.
Ayon sa ahensya, ito ay upang magkaroon ng sapat na pondo ang PhilHealth na aabot sa 17-bilyong piso na gagamitin sa pagpapatakbo ng mga programang katulad ng PhilHealth Konsulta at iba pang pangangailangan ng mga magkakasakit na Pilipino gayundin sa polisiya ng Universal Health Care law.
‘Nitong nakalipas na linggo, bagamat nasa batas ang pagpapatupad ng premium adjustments, ay minabuti ng PhilHealth na makipag-ugnayan sa ibat-ibang partners at stakeholders upang magkatuwang na ipatupad ang kahuli-hulihang contribution adjustments ayon sa UHC Law, at para siguruhing magtuloy-tuloy ang mga pinagbuting benepisyo ng mga miyembro,’ ayon sa mensaheng pinadala ng PhilHealth sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat din ang PhiHealth sa naging matagumpay na 2023 kung saan nakamit ng ahensya ang ibat-ibang tagumpay partikular na sa pagpapalawig sa bilang ng dialysis appointment na maaring makamit ng mga chronic kidney disease patients na umabot sa 156 session.
Noong nakalipas na taon din ay umabot sa 150% ang itinaas ng health packages na maari namang makamit ng mga pasyenteng may sakit na Pnuemonia, Hemorraghic at ischemic risk.
“I would like to thank PhilHealth, for the continuing partnership with the patient advocacy group, we truly appreciate the continuing communication: we have on each other and our partnership yo communicate to members about the benefits of PhilHealth,” ayon naman sa mensahe ni Karen Villanueva – Pangulo ng Philippine Alliance of Patients Organization na pinadala ng PhilHealth sa Radio Veritas.
Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ng PhilHealth ang desisyon ng Pangulo bago ipatupad ang nationwide increase ng 5% premium rate.