687 total views
Inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Commemorative Coffee Table Book tampok ang 500 Years of Christianity ng bansa.
Ito ay inisyatibo ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications katuwang ang Radio Veritas 846 at Radio Veritas Asia.
Layunin nitong ibahagi sa mamamayan ang mayamang pananampalataya ng mga Pilipino na makalipas ang limang sentenaryo ay patuloy ang paglago sa bawat henerasyon.
“Hopefully through this written work, the readers will gain access to a laboratory of faith encounters. When we reflect judiciously well on its contents, and so acquire some usable insights, as well as some basic information about the influences that affect our own spiritual lives, we emerge with relevant knowledge and an enhanced capacity for informed awareness, critical thinking and simple mindfulness,” ayon sa pahayag ni Bro. Clifford Sorita, Chief Strategy Officer ng Radio Veritas 846.
Ang libro ay hinati sa limang bahagi ang (1) Colonization and Christianization; (2) Piety and Identity; (3) War and Sovereignty; (4) Democracy and Service; and (5) Faith and Modernization; na pawang dumaan sa masusing pananaliksik bago mailimbag.
Umaasa ang CBCP na sa pamamagitan ng mga kasaysayan ng pananampalatayang inilimbag sa aklat ay higit mapaigting ang alab ng pananampalataya lalo na sa mga kabataaang inaasahang magpapatuloy sa misyon sa susunod na 500 taon ng simbahan sa bansa.
“As we share images, words and insights in this Coffee Table Book we will likewise rediscover our sense of identity as a Church. From each and every page we will be able to learn how our Catholic Faith was formed as a nation, and how it evolved and developed over time,” ani Sorita.
Ginanap ang launching sa Radio Veritas Asia Hall sa Fairview Quezon City noong September 28, 2022 kasabay ng paggunita sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz – ang kauna-unahang Pilipinong martir.
Bago ang paglunsad ay isang misa ang isinagawa na pinangunahan ni Radio Veritas Asia Manager Fr. Victor Sadaya, CMF kasama si Fr. Roy Bellen, Vice President ng Radio Veritas 846 at mga kasamang pari.
Bawat dumalo sa launching ay nakatanggap ng isang kopya ng Coffee Table Book habang inaasahang ipapamahagi rin ito sa 86 na mga diyosesis sa bansa.