400 total views
Naglunsad ng isang mobile application ang Archdiocese of Manila bilang gabay sa mga mananampalataya sa patuloy na pagdiriwang ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.
Inilunsad ng Archdiocese of Manila ang 500YOC MISSION APP kasabay ng paggunita sa ika-426 na anibersaryo ng pagkakatalaga bilang isang arkidiyosesis sa Archdiocese of Manila.
Layunin ng 500YOC MISSION APP na magsilbing gabay partikular na sa mga mananampalataya ng arkidiyosesis sa patuloy na pakikibahagi sa paggunita ng 500-years of Christianity in the Philippines kabilang na ang pagtukoy sa lahat ng mga Jubilee churches sa Archdiocese of Manila.
“In celebration today of the 426th anniversary of the elevation of Manila as an Archdiocese, we are launching the 500YOC MISSION APP! This is a complete resource for the 500 Years of Christianity Jubilee churches in the Archdiocese of Manila.” Ang bahagi ng pahayag ng pamunuan ng Archdiocese of Manila.
Bukod sa pagtukoy sa lugar ng lahat ng mga Jubilee churches sa Archdiocese of Manila tapok rin sa 500YOC MISSION APP ang mga detalye tulad ng mga schedule of Masses, Sacrament of Confession, devotional prayers at iba pang banal na liturhiya mula sa mga Jubilee churches na maaaring daluhan ng mga mananampalataya.
Naglalaman rin ang 500YOC MISSION APP ng iba’t ibang impormasyon kaugnay sa Plenary Indulgence at iba pang biyaya na maaaring makamit ng bawat mananampalataya ngayong ipinagdiriwang ang Jubilee Year sa bansa na nagsimula noong April 4, 2021 at magtatapos sa April 18, 2022.
“The App contains information on the schedule of Masses, Sacrament of Confession, other services, as well as devotional prayers from the different Jubilee churches. Information about the Plenary Indulgence and how to gain these graces during the Jubilee year can also be found in this App.” Dagdag na paanyaya pa ng Archdiocese of Manila.
Sa kabuuan may mahigit sa 500 mga Simbahan sa buong bansa ang itinalagang pilgrim churches bilang paggunita ng Taon ni San Jose at ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas kung saan mayroong 12 pilgrim churches o jubilee churches ang matatagpuan sa Archdiocese of Manila .
Una ng inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapalawig sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo ng Pilipinas mula taong 2021 hanggang sa 2022 dulot ng COVID-19 pandemic kung saan higit pang pinalawig ng Simbahan ang paggamit sa iba’t ibang social media platforms tulad ng pagsasagawa ng ilang mga programa.