363 total views
Maglulunsad ng webinar ang University of Sto.Tomas Graduate School at U-S-T Institute of Religion hinggil sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo ng Pilipinas.
Sa pahayag na inilabas ng institusyon, binigyang diin nitong dapat na higit matutukan ang maunlad na pananampalataya sa halip na ang pananakop ng mga Kastila.
“Rather than merely look back at the colonial history of Christianization that started when the first Mass was held on March 21, 1521 in the islands that would later be known as the Philippines, the webinar recognizes the need for evaluation and renewal as one Church,” bahagi ng pahayag ng U-S-T.
Tema ng webinar ang “The 500th Anniversary of Christianity and the New Evangelization” na gaganapin sa Marso 20, 2021 mula ala una hanggang alas 3 ng hapon sa pamamagitan ng zoom.
Kabilang sa magbahagi sa webinar sina Professor Rev. Fr. Hermel Pama, O.P., Ph.D., na tatalakay sa paksang “New Evangelization and Indigenous Peoples,” Religions for Peace Asia Associate Secretary General Pablito A. Baybado, Jr., Ph.D., na tatalakay sa “New Evangelization and the Muslim Community,” at si Rev. Fr. Delfo Canceran, O.P., Ph.D., para naman sa “New Evangelization and the Cognitive Science of Religion.”
Iginiit ng U-S-T na dapat mabuksan ang kamalayan ng mamamayan na hindi kaakibat ng pananampalataya ang pananakop ng mga Espanyol 500 taon na ang nakalipas.
“Following the CBCP exhortation on the New Evangelization, evangelizing is no longer linked with colonization, but with dialogue and friendship,” ani ng UST.
Magkakaroon din ng mga resource speakers at reactor ang webinar mula sa iba’t-ibang social sciences.
Magsilbing moderator sa webinar ang U-S-T Graduate School students na sina Martius Lechuga at Mariel Blanza.