439 total views
Isang malaking hamon sa gobyerno na gawing sentro ng kaunlaran ang paglago ng populasyon ng bansa.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, dapat mapangalagaan ang tao at hindi ang materyal na bagay tulad ng pera o gadgets ang pahalagahan ng isang pamamahala.
Pahayag pa ng obispo, ang tao ang tunay at dakilang yaman at dahilan ng pangmatagalang kaunlaran ng isang bansa tulad ng PIlipinas.
Dagdag pa ng obispo, dapat maging sentro ng pamahalaan ang paglinang ng talento at kakayahan ng bawat tao at hindi pagsira sa dangal at buhay nito .
“Take care of our people, not money nor gadgets. People is our greatest resource. True development is people centered – to make people more human.” Ayon kay Bishop Pabillo.
Samantala, una nang naitala survey ng Philippine Statistics Authority o PSA na umabot na 100.98 milyon ang populasyon ng bansa o pagtaas sa 1.72 porsiyento mula 2010 hanggang 2015.