23,564 total views
Iginiit ni Radio Veritas 846 President Father Anton CT Pascual na dapat ituon kay Hesus ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang sa Manunubos.
Ito ang pahayag ng pari kasunod ng isinagawang Veritas Truth Survey hinggil sa paksang ‘Christmas Party References’ sa mga lugar na pinagtatrabahuan kung saan 64 porsyento sa 1, 200 respondents ang pabor sa pagkakaroon ng party upang ipagdiwang ang Christmas season.
“Whatever the preference that may have been in this survey, what remains truly important is the reason for the celebration. The Christmas holiday is an occasion for us to come together and contemplate on the true meaning of the season: the birth of Jesus Christ,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.
Binigyang diin ng pari na si Hesus ang sentro sa mga pagdiriwang dahil ito ang inialay ng Diyos para sa katubusan ng sanlibutan at tagapagdala ng liwanag ng sanlibutan.
25 porsyento naman sa mga respondents ang nagsasabing gamitin ang pondo sa Christmas party bilang pandagdag sa mga benipisyo ng manggagawa habang siyam na porsyento ang hindi pabor sa gawain sa halip ay ibigay sa mga higit nangangailangan sa pamayanan.
Ikinalugod ni VTS Head Bro. Clifford Sorita na may iilang indibidwal ang iniisip ang kapakanan ng kapwa lalo ngayong Christmas season na isinasabuhay ang pagbibigayan.
“Christmas is the Season; Christ is the Reason. Christmas is the Celebration; Sharing is the Intention. Christmas is the Festivity; Nativity is the Substantiality. Christmas is the Occasion; Love is the Expression. And, Christmas is the Moment, Emmanuel is the Commencement,” giit ni Sorita.
Ginawa ang survey sa pagitan ng November 1 hanggang December 1 sa pamamagitan ng text at online data gathering.