10,427 total views
Nagagalak na iniulat ng Caritas Manila ang bilang ng mga natulungang mahihirap at pinakanangangailangan noong 2023.
Sa ulat ng Social Arm ng Archdiocese of Manila, sa tulong ng Caritas Damayan program umabot sa 12.4-million gift checks ang naipamahagi sa 12,487 pinakamahihirap sa buong bansa.
Umabot din sa 20-milyong piso ang nailaang pondo sa pagpapakain ng mahigit anim na libong mga malnourished na bata sa 26 na magkakaibang feeding sites sa Archdiocese of Manila.
Habang umabot naman sa 246 mga lactating at malnourished mothers ang natulungan makaahon mula sa suliranin ng malnutrisyon kung saan nailaan ang pondong aabot sa 847-thousand pesos.
“To close our 2023 year end report, our Holy Father reminds us ‘Poverty is not an accident it has causes that must be recognized and removed for the love of Christ urges us on, we hope to see you on our 71st anniversary celebration” ayon sa mensahe ng Caritas Manila Damayan Program.
Habang naitala din ng Caritas Manila ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga natutulungang Pilipino na makataas sa kinaglumukang kahirapan at kagutuman.
Ibinahagi ito sa Caritas Manila Damayan Program 2023 achievement reports kung saan umabot sa 7.4-million ang nailaang pondo noong 2023 para sa natulungang mahigit limang libong katao ng Caritas in Action Program na pawang mga pasyenteng nangangailangan ng pambayad sa kanilang gamutan.
Umabot din sa 14,700 ang bilang ng mga pamilyang biktima ng kalamidad ang natulungan ng pondong inilaan para sa disaster response ng Caritas damayan na umabot sa 14.4-million pesos.
Nagpatuloy din ang adbokasiya na isulong ang food security sa pamamagitan ng urban gardening kung saan umabot sa 1,179-kilos ang bilang ng mga naaning gulay habang umbot sa 334-bahay ang nabigyan ng mga Hydroponics kit upang makapagsimula ng sariling urban gardens sa Metro Manila.
“Caritas Damayan covers health and wellness, plant-based food security, feeding and nutrition, disaster-response and crisis assistance, its main benificiaries are the poorest families, vulnerable groups, poor dioceses and individuals in crisis,” ayon pa sa mensahe ng Caritas Manila.
Kaugnay nito, magugunita na laging nalalagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino higit na sa panahon ng tag-ulan dahil narin higit sa 20-bagyo ang nararanasan kada taon habang matatagpuan din ang Pilipinas sa itinuturing na ‘Pacific Ring of Fire’ kung kaya’t madalas maranasan ang lindol at pagliligalig ng mga bulkan.
Sa datos ng United Nations, dahil sa suliranin ng malnutrisyon ay aabot sa hanggang 95-bata sa Pilipinas ang namamatay araw-araw.