17,008 total views
Ipinagdiwang ng Caritas Manila ang kanilang 70th Anniversarry sa University of Santo Tomas Quadricentennnial Pavillion.
Tema ng anibersaryo ay “Pitong Dekada ng Paglalakbay Kasama si Kristo para sa Mahihirap,” na dinaluhan ng atlong libong mga kawani, mga volunteers mula sa ibat-ibang parochial social services and development ministries.
Sa anibersaryo ay kinilala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga adbokasiya ng Caritas Manila na itinataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
“Binabati ko kayong lahat sa anibersaryo ng Caritas Manila, ang bilang na 70 ay may malalim na kahulugan sa bibliyan, pitumpung taon na nagtatago ang mga Israelita, at pagkatapos ng 70-taon ay nakabalik sa kanilang sariling bayan, marahil sa atin 70th anniversary ay panahon din ng pagbabalik, panahon ng pagpapatawad, pagpapahayag ng mabuting balita ng kaligtasan sa mga dukha at naapi.” ayon sa mensahe ng arsobispo ng Maynila.
Tiniyak ni Father Anton CT Pascual Executive Director ng Caritas Manila ang pagpapaigting sa kanilang mga adbokasiya upang maiaahon sa kahirapan ang mas marami pang mamamayan kung saan papalakasin ang Youth Servant Leadership and Education Program dahil sa EDUKASYON ang magbisang pangpuksa sa Kahirapan.
Panalangin pa ng Pari ang patuloy na pagpapala ng Panginoon sa mga Volunteers, donors, partners agencies at kawani ng Caritas Manila upang higit na maipagpatuloy ang mabubuting hangarin ng pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
“Hindi lang spiritual ang material, at ang pangunahing pangangailangan ay edukasyon ng mga bata, kalusugan usually maraming may sakit sa mga mahihirap at siyempre itong kabuhayan yung livelihood kaya’t mayroon tayong mga kooperatiba, at ang iba pang mga special projects ng Caritas para sa mga bilanggo, adik at handicapped.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.