Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sanctified and sanctifier

SHARE THE TRUTH

 168 total views

Mga Kapanalig, kahapon, ika-4 ng Setyembre, naganap ang pagtatanghal kay Mother Teresa ng Calcutta bilang isang ganap na santo. Noong nabubuhay pa si Mother Teresa, siya ay binansagan nang “the living saint”, isang buhay na banal. Kaya naman ang canonization, o ang proseso ng pagkilatis at pagpapasiya ng Simbahan kung ang isang tao ay karapat-dapat na tanghaling isang santo, ay naging maikli lamang sa kaso si Mother Teresa, na ngayon ay atin nang matatawag na Santa Teresa.

Si Santa Teresa ay ipinanganak sa bansang Yugoslavia. Sinimulan niya ang kanyang buhay bilang isang relihiyosa sa bansang Ireland at nagturo sa isang high school para sa mga batang babae sa Calcutta. Higit siyang nakilala sa kanyang mahabang paglilingkod sa mga pinakadukha sa mga dukha, at sa mga maysakit, sa mga mahihirap na pamayanan at mga kalsada ng naturang siyudad. At nakilala na nga siya bilang Mother Teresa ng Calcutta.

Bagamat si Santa Teresa ay isang relihiyosa, ang kanyang buhay ay nagsisilbing isang napakagandang halimbawa para sa mga laiko na nagsisikap mabuhay sa ating mundo na puno ng kahirapan, hindi pagkakaunawaan, at kaguluhan. Ayon sa ating Simbahan, ang mga laiko ay tinatawag na linangin ang isang tunay na espiritwalidad na panlaiko, na ginagawa silang pinabanal o “sanctified” at tagapagpabanal o “sanctifier”. Sila ay puspos ng hiwaga ng Diyos samantalang nakapaloob sa buhay ng lipunan. Ito ay ang tawag hindi lamang para sa mga relihiyoso at banal na tulad ni Santa Teresa, kundi sa bawat Kristiyano, maging mga laiko.

Mga Kapanalig, tinatawag ang mga laiko na makilahok at mag-ambag sa pagpapabanal ng mundo. Sa katunayan, ang pagpapabanal sa mundo upang umayon ito sa kalooban ng Diyos ang siyang natatanging bokasyon ng mga laiko. Paano ito gagawin?

Isa sa maari nating matutunan kay Santa Teresa ay ang pagmalas niya sa mukha at pagkatao ng ating Panginoon sa bawa’t tao, lalo na mga dukha at nangangailangan. Itinuturo sa atin ng ating Simbahan na tungkulin nating linangin ang isang marubdob na pag-ibig sa Panginoon, isang pag-ibig na hindi nilalayo ang ating tingin mula sa ating kapwa. Sa katunayan, ang biyayang natatamo ng isang taong tunay na nagmamahal sa Panginoon ay ang makita ang kanyang kapwa kung paano siya tinatanaw ng ating Ama, at mahalin ang kanyang kapwa kung paano siya mahalin ng Diyos.
Sa mga laiko nakaatang ang banal na gawain ng pagpapanibago ng mundo, ang pagpapabanal sa mundo. Kaya nga, mga Kapanalig, hinihingi sa bawat laikong nananampalataya na palakasin ang kanyang buhay ispiritwal sa pamamagitan ng panalangin at mga sakramento, lalo na ang pag-ibig sa Eukaristiya, at pakikinig at pagtalima sa Salita ng Diyos. Ang ating buhay pananampalataya ay kailanman hindi maaring hiwalay sa ating buhay sa mundo.
Nawa’y matuto tayo, mga Kapanalig, sa halimbawa ni Santa Teresa. Tanging ang malalim, tapat, at marubdob na pag-ibig niya sa Panginoon ang naging bukal ng nag-uumapaw niyang pag-ibig sa mga dukha at mga naghihingalo sa mga lansangan ng Calcutta. Ang mga taong iniiwasan at pinandidirihan ng marami ay naging lubhang kaakit-akit sa paningin ni Santa Teresa, sapagkat nakita niya ang mukha ni Hesus sa kanila.

Mga Kapanalig, maraming mga tao sa ating lipunan ang nangangailangan ng ating pagpansin, pag-unawa, at pagkalinga. Bilang mga laiko, kayo ang higit na may kakayahang tulungan sila dahil sa inyong mga kakayahan, kaalaman, at kayamanan. Kayo ang nakalubog sa buhay publiko, sa mga institusyon ng gobyerno at ng pribadong sector, sa mga paaralan at pamantasan, mga institusyon ng kaalaman at kultura, at sa mga pamayanan. Sa mundong ito kayo tinatawag na maging pinabanal at tagapagpabanal, “sanctified and sanctifier.” Ngunit huwag kalimutan, mga Kapanalig, na magaganap lamang ito kung tulad ni Santa Teresa, ang pinaghuhugutan ng ating pagtingin sa ating kapwa ay ang pag-ibig sa Diyos na unang umibig sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 34,936 total views

 34,936 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 85,499 total views

 85,499 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 32,290 total views

 32,290 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 90,679 total views

 90,679 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 70,874 total views

 70,874 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 34,937 total views

 34,937 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 85,500 total views

 85,500 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 90,680 total views

 90,680 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 70,875 total views

 70,875 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,898 total views

 45,898 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 54,579 total views

 54,579 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 69,341 total views

 69,341 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 76,456 total views

 76,456 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 50,586 total views

 50,586 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 50,358 total views

 50,358 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 50,059 total views

 50,059 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 42,393 total views

 42,393 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,973 total views

 81,973 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 89,527 total views

 89,527 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 85,410 total views

 85,410 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top