5,850 total views
Ipagdiriwang ng Philippine Navy ng siyam na araw ang kapistahan ng Our Lady of La Naval.
Sa pagdiriwang ng kapistahan noong ika16 ng Oktubre ay sinimulan ng Philippine Navy ang nine-day novena na magtatapos sa October 25 sa pamamagitan ng fluvial procession at misang pangungunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio.
Si Philippine Navy Flag Officer Vice.Admiral Toribio Adaci Jr. ang Hermano Mayor at hermana Mayor naman ang kanyang asawa.
“The Philippine Navy proudly celebrates the Feast of Our Lady of La Naval, our beloved Protector and Patroness, from October 16 to 25, 2024. This sacred occasion is led by the Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Adm. Toribio Adaci Jr., as Hermano Mayor, and his wife as Hermana Mayor. The celebration will feature a nine-day Novena and culminate in a fluvial procession and Concelebrated Mass on October 25, officiated by Military Bishop Oscar Jaime Florencio,” ayon sa ipinadalang mensahe ng Philippine Navy sa Radio Veritas.
Kinikilala ng Philippine Navy ang Our Lady of La Naval na protector at patroness.
Ipinagdarasal at hinihiling ng Philippine Navy sa panginoon sa pamamagitan ng birheng Maria ang ligtas at matiwasay na paglalayag sa kanilang pangangalaga sa seguridad ng mga katubigan ng Pilipinas.
Sa mga nais makiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ay isasagawa ito ng Philippine Navy sa Sangley Point Cavite City.
“For many in the Navy, Our Lady of La Naval holds a special place in our hearts, with countless sailors, marines, and their families drawing strength, protection, and guidance from her. Her deep connection with our naval forces continues to inspire devotion and faith, especially as we navigate our duties and challenges in service to the nation, We warmly invite everyone to join the Philippine Navy in honoring Our Lady of La Naval through the Novena, fluvial procession, and festivities at Sangley Point, Cavite City,” pahayag ng Philippine Navy sa Radio Veritas.
Una ng ipinakita ng Philippine Navy ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng La Naval sa nakalipas na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Nuestra Señora Del Santisimo Rosario La Naval De Manila sa Santo Domingo Church – National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila noong October 13.
Sa prusisyon, ang mga sundalo ang ng Philippine Navy ang nagbuhat at nagtulak sa Karo ng Imahen ng Our Lady of La Naval De Manila.