4,382 total views
Kinondena ng isang Obispo ang panukalang ibaba sa 9-na taong gulang ang minimum age criminal liability.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Balanga Bishop Ruperto Santos, sa halip na ikulong ang mga bata at tawaging kriminal ay tulungan dapat ito ng lipunan na maging tunay na bata.
Pinayuhan ni Bishop Santos ang mga mambabatas at pamahalaan na ibigay sa mga bata ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan at tamang edukasyon para maging mabuting mamamayan.
Binigyang-diin ng Obispo na dapat pagtuunan ng pansin ng Kongreso at gobyerno ang pagkakaroon ng peace and order upang maging ligtas ang mga bata sa loob at labas ng kanilang mga bahay.
“Instead of making more children be tagged as criminals let us put all our efforts at having children be children. Let us see to their health and education so they will grow up into good citizens. We should be concerned with peace and order, where everyone especially children are protected and secured in and out of the house.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Santos na ang pagpapababa sa criminal liability age ng mga bata sa 9-na taon gulang sa 12-taon ay hindi makakasugpo sa krimen sa halip ay magpaparami pa ito sa bilang ng krimen.
“Lowering the age of liability for crime will not solve crime. It will just increase the number of criminals. We are also responsible for every child that is thrown into criminality. Jesus said do not suffer the little ones for theirs is the kingdom of heaven,”pahayag ni Bishop Santos.
Ipinaalala ng UN Convention on the Rights of Child na hindi katanggap-tanggap ang pagpapababa sa criminal responsibility mula sa edad na 12-taong gulang.
Nauna rito, tinitiyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsasabatas ng criminal liability age sa 9 na taong-gulang.