15,234 total views
Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na bahagi ng kinikita ng mamamayan.
“Our performance shows how excellently we are managing the funds that our members have saved with us. This places us in a strong position to continue providing social services and help more Filipinos gain better lives,” ayon kay Acuzar.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, ito ay mataas ng 39 na porsyento kumpara sa kabuuang kita noong 2021 na naitala lamang sa 34.73 billion pesos.
Pinasalamatan naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang mga kasapi at stakeholder’s ng institusyon sa patuloy na tiwala at suporta sa bawat programa sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
Ibinahagi ni Acosta na nasa 810.07 billion pesos ang total assets ng institusyon o nadagdagan ng 65.49 billion pesos ang assets noong 2021.
“The sum of all these parts is a stronger-than-ever Pag-IBIG. We count on their continued support so that we can maintain our remarkable growth and help even more Filipino workers uplift their lives through savings and by gaining homes of their own,” ani Acosta.
Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pag-iingat sa kita ng mga Pilipinong manggagawa na ipinagkatiwala sa kanilang pamamahala gayundin ang pagpapalawak sa mga programang makatutulong sa bawat miyembro ng institusyon.