1,664 total views
Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa apela ni Pope Francis na “gesture of clemency” ng mga lider ng bansa sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo ngayong papalapit na ang Pasko.
Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon, napapanahon ang panawagan ng Santo Papa lalo na sa nagsisiksikan na mga bilangguan sa Pilipinas.
Sinabi ng Obispo na ang paggagawad ng pamahalaan ng clemency o pardon sa mga eligible PDLs ay paraan upang mabawasan at mapaluwag ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa bilangguan.
“Definitely we are very happy that the Holy Father once again has reiterated this call for clemency on behalf and in behalf of our PDLs and this is even more relevant dito sa atin sa Pilipinas na masyadong congested na ang mga prisons when giving clemency to those who are eligible at least siyempre magbabawas, that will lessen the number of inmates or prisoners in our prisons,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag ng Obispo na hindi mababago ang paninindigan ng Prison Ministry ng Simbahang Katolika na dapat ay redemptive at restorative mentality sa halip na punitive ang umiiral na mentalidad sa justice system ng bansa.
Iginiit ni Bishop Baylon na nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumalabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala.
“Sabi ng ating Pope na we should look at justice not punitive but redemptive and rehabilitative, yun ang we have been proclaiming this sa commission namin that it is a healing that should be allowed opportunity for the offenders for healing that as much as we also would like to offer our hands to the victims for healing kasi yun naman talaga redemptive ang justice system dapat,” dagdag pa ni Bishop Baylon.