Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 510 total views

4th Sunday of Advent Cycle A

Is 7:10-14 Rom 1:1-7 Mt 1:18-24

Nangyayari sa ating buhay na tayo ay nasa mahigpit na kalagayan na kailangan tayong gumawa ng mabigat na desisyon, lalo na kung maaapektuhan ang ibang tao sa desisyon natin. Tulad ng tatay na magdedesisyon kung aalis ba siya sa trabaho kung saan nararamdaman niya na kinokontra siya at pinahihirapan ng kanyang mga kasama, pero may pamilya siyang sinusuportahan. Tulad ng isang nasangkot sa isang pagkakasala. Aaminin ba niya ito at mapapahamak ang iba? Tulad ng isang may asawa na para bang nawawala na ang tiwala sa kanyang kabiyak pero may mga anak na kailangang suportahan. Sa ganitong mga kalagayan ano ang isinasaalang-alang natin sa ating pagdedesisyon? Bukas ba tayo sa Diyos at naniniwala ba tayo na nababahala din siya sa atin at tutulong siya? Alam ba natin na ang Diyos ay kasa-kasama natin sa mga madidilim na yugto ng buhay natin?

Iyan ang kalagayan ni haring Acaz sa ating unang pagbasa at ni Jose sa ating ebanghelyo. Kapwa silang may mabigat na problema. Si haring Acaz ng Jerusalem ay natatakot. Ang puso niya ay nanginginig sa takot tulad ng dahon ng puno na hinahampas ng hangin. Dalawang mga hari ang paparating upang salakayin ang Jerusalem, ang hari ng Damasco at ang hari ng Samaria. Isa laban sa dalawa. Si Jose ay abalang-abala rin. Nakatakda siyang ikasal kay Maria, pero bago sila magsama nalaman niya na si Maria ay buntis. Hindi niya alam kung bakit. Mabait na babae naman si Maria pero iyan, buntis siya. Ang dalawang lalaking ito ay may plano na kung ano ang gagawin.

Inihanda na ni Haring Acaz ang pagsalakay sa Jerusalem. Kaya pinapalakas niya ang muog at inaayos ang supply ng tubig sa lunsod. Tumawag na siya sa hari ng Assyria at nagbayad na sa kanya na salakayin ang Damasco at Samaria. Si Jose ay may plano na rin. Siya ay isang taong matuwid. Ayaw niyang mapahiya at mapasama si Maria. Mangyayari ito kung ibubunyag niya na buntis si Maria sa iba. Ngunit hindi naman niya hahayaan na lang na parang walang nangyari.

May nangyari kay Maria at hindi niya ito nauunawaan. Kaya ipinasya na lang niya na hiwalayan si Maria nang tahimik. Kahit na siya ay nasaktan, ayaw niyang mapasama si Maria.

Pero kumilos ang Diyos sa dalawang taong ito. Pinadala ng Diyos si propeta Isaias kay haring Acaz at isang anghel kay Jose. Sinabi ni propeta Isaias kay Acaz na huwag siyang matakot. Hindi mangyayari ang kanyang kinatatakutan. Hindi siya sasalakayin ng dalawang kaharian at babagsak pa nga sa madaling panahon ang mga lunsod ng Damasco at ng Samaria. Upang maniwala siya na mangyayari ito, humingi siya ng tanda, anumang tanda ay matutupad ito at ibibigay ito sa kanya ng Diyos. Ayaw niyang maniwala sa salita ng propeta. Mas umaasa siya sa kanyang plano. Hindi siya humingi ng tanda. Nagalit ang propeta sa kanya na pati ang Diyos ay niyayamot niya. Pero mangyayari ang plano ng Diyos. Hindi man siya hihingi ng tanda, ang Diyos ay magbibigay ng tanda – ang isang dalaga ay manganganak at ang anak niya ay tatawaging Emanuel na ang ibig sabihin ay kasama nila ang Diyos. Hindi sila pababayaan ng Diyos. Hindi mawawasak ang Jerusalem.

Kakaiba si Jose. Pinaliwanag ng anghel sa kanyang panaginip na tanggapin na si Maria bilang asawa niya at ang bata bilang anak niya. Siya ang magbibigay ng pangalan sa kanya. Pangangalanan niya ito ng Jesus, na ang ibig sabihin siya ang magliligtas sa kanyang bayan. Iyan ang magiging misyon ng bata na isisilang. Tanggapin na niya si Maria sapagkat ang nangyari sa kanya ay hindi kagagawan ng tao, kundi naglihi siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kaagad sumunod si Jose. Pinakasalan niya si Maria at siya na ang tumayo bilang tatay ng bata. Dahil sa pagsunod niya natupad ang tanda na ibinigay ni Isaias. Naglihi ang isang dalaga at nanganak ng isang lalaki na magiging Emmanuel – talagang Emmanuel siya sapagkat siya ay ang Diyos na naging kasama natin. Naging kasama natin ang Diyos kasi si Jesus, ang Anak ng Diyos na naging tao, ay kapwa natin, kapwa tao siya.

Kumikilos ang Diyos sa buhay natin. Sa ating kagipitan nag-aalok siya ng solusyon. Tayo ba ay tulad ni haring Acaz na ayaw maniwala? O tulad ba tayo ni Jose na kahit na ang inaalok ng Diyos ay kakaiba sa balak niya, naging masunurin siya at agad kumikilos ayon sa plano ng Diyos? Iba ang paraan ng paglapit ng Diyos kay Acaz, ito sa pamamamagitan ng isang tao, isang propeta, at ang paglapit niya kay Jose, ito ay sa pamamamagitan ng anghel sa kanyang panaginip. Ibang paraan, pero lumapit ang Diyos sa kanila. Sa ating buhay lumalapit din ang Diyos at pinapabatid ang plano niya. Maging bukas tayo sa kanyang paglapit. Maging sensitive tayo sa kanya. Hindi siya pabaya sa atin. Lumalapit siya lalo na kung hinahanap-hanap natin siya at gusto nating gawin ang kalooban niya.

Isang linggo na lang Pasko na. Huwag lang natin abangan ang araw ng December 25. Abangan natin si Jesus na nagbigay ng kahulugan sa December 25. Jesus is the reason for the season. Siya ang dahilan ng pasko. Tanggapin natin siya.

Noong ako ay batang pari pa lang, na-assign ako sa isang Parokya sa Makati. Hindi ito ang mayamang bahagi ng Makati. Ordinaryo at mahihirap lang ang mga tao rito. Busy ako noong Simbang gabi. Ang daming misa. Marami din ang mga Christmas party at mga regalo. Noong gabi ng Pasko masaya ang mga taong nagbabatian ng Merry Christmas pagkatapos ng midnight mass. Pagkatapos umuwi na ang lahat. Naiwan akong mag-isa sa simbahan. May kasama akong paring matanda na maaga nang natulog. Malungkot akong kumain ng noche Buena na mag-isa – nakatambak ang mga regalo, patay-sindi ang makukulay na Christmas lights at maraming pagkain sa lamesa. Pero nag-iisa ako. Doon ko naranasan na ang pasko ay wala sa mga bagay o mga dekorasyon. Pumunta ako sa simbahan at doon nanahimik sa harap ng Belen at ng Blessed Sacrament. Hindi ko namalayan na higit na isang oras ako naroon. Iyong ang isa sa pinakamalalim kong karanasan ng Pasko. Sa katahimikan ng panalangin nandoon si Jesus. Noon ko naranasan ang Emmanuel, ang Diyos na kasama natin.
Kung nandiyan si Jesus hindi tayo nag-iisa. Sinasamahan tayo palagi ng Diyos. Maging bukas lamang tayo sa kanya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 28,824 total views

 28,824 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,480 total views

 43,480 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,595 total views

 53,595 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,172 total views

 63,172 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,161 total views

 83,161 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,536 total views

 5,536 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,633 total views

 6,633 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,238 total views

 12,238 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,708 total views

 9,708 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,756 total views

 11,756 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,084 total views

 13,084 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,330 total views

 17,330 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,758 total views

 17,758 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,818 total views

 18,818 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,128 total views

 20,128 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,857 total views

 22,857 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,043 total views

 24,043 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,523 total views

 25,523 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,933 total views

 27,933 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,209 total views

 31,209 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top