Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOW DO YOU “SOLVE A PROBLEM”LIKE MARIA?

SHARE THE TRUTH

 631 total views

Homiliya para sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Ika-18 ng Disyembre 2022, Mat 1:18-24

May kasabihan, “Pag may problema, may solusyon.” May solusyon na sana si St. Joseph sa sitwasyon na kinakaharap niya. Dinesisyon na nga niya ito bago siya natulog. Pero nagbago ang desisyon niya kinabukasan. Bakit kaya? Ito ang pagnilayan natin.

Normal lang naman sa tao ang maghanap ng solusyon kapag problema ang tingin niya sa hinaharap niyang krisis. At syempre, sisikapin muna niyang intindihin ito nang mabuti. Ano ba ang puno at dulo nito?

Siguradong inulit-ulit ni Joseph sa isip niya ang tanong na ito. Sabi siguro niya sa sarili niya: “Kahit mahal ko siya, hindi ko naman siya pipilitin kung mayroon palang problema; kung meron pala siyang ibang mahal.” Ano pa nga ba ang pwedeng maging dahilan kung bakit buntis na siya ngayon gayong hindi pa sila nagsisiping? Pero alam niya na kapag inamin niya sa publiko na hindi kanya ang batang dinadala ni Maria, mapapahamak ito. Kaya sabi pa siguro niya sa sarili:

“Kahit masakit ang loob ko, hindi ko siya iiskandaluhin dahil mahal ko siya. Ibabalik ko na lang sa kanya ang kalayaan niya.”

Merong ganyang kanta, di ba? “If you love somebody, set them free.” Kaya ang solusyon sa isip niya ay ganito: “Gagawa ako ng paraan para kunwari diniborsyo ko na siya bago siya nabuntis, para hindi siya mapahamak. Sasabihan ko siya na malaya siyang pakasalan kung sino man ang lalaking iyon, na ama ng dinadala niyang bata. Dahil mahal ko siya, palalayain ko siya.”

Nilulutas niya ang sitwasyon bilang problema. Pero salamat sa bulong ng anghel sa kanyang panaginip, paggising niya, parang luminaw ang mga bagay-bagay. Na ito’y kalooban ng Diyos. Na ito’y paanyaya ng Diyos na humihingi sa kanya ng tugon. Isang imbitasyon na makiisa sa plano ng Diyos.

Ang tugon ni Jose sa paanyayang ito ang magpapabago nang lubos sa direksyon ng buong buhay niya. Hindi SULIRANIN ang tawag dito kundi HIWAGA. Hindi PROBLEMA kundi MISTERYO. Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa?

May nabasa akong kuwento kamakailan tungkol sa isang awtor. Noong kabataan pa ang nasabing manunulat, panahon ng WWII, nag-volunteer daw siya sa Red Cross para tulungan ang mga pamilyang naghahanap sa kanilang nawawalang anak, asawa, o kapatid na sundalo. Mga pamilyang biglang nawalan ng contact sa sundalong kaanak nila habang nasa giyera ito. Trabaho niya na tulungan sila na malaman kung ano talaga ang nangyari: Tumakas ba sila at nag-AWOL? Nabihag ba sila at nabilanggo sa kampo ng kalaban bilang POW? O namatay ba sila sa pakikipaglaban at hindi na nakuha o nakilala ang bangkay?

Dahil kabataan pa siya at kulang sa karanasan, sa una daw, parehas lang ang turing niya sa bawat kaso: bilang problemang kailangang hanapan ng solusyon. Nag-iipon siya ng impormasyon tungkol sa bawat kaso, lahat ng datos na kailangan niya para malutas ang bawat kaso. Nagbago daw ang lahat nang isa-isa niyang makilala ang mga magulang, asawa, kapatid, kaibigan o mahal sa buhay ng mga nawawalang sundalo. Hindi na sila serial numbers lang sa files niya. Nagkaroon ng mukha ang bawat isang pangalan; narinig niya ang kuwentong buhay ng bawat sundalo.

Naging totoong tao sila sa kanya, may kakaibang personalidad, sitwasyon at kuwento ang bawat isa. Ito raw ang unang karanasan na nagpaunawa sa kanya sa pagkakaiba ng PROBLEMA sa MISTERYO. Ang pangalan ng manunulat na ito ay Gabriel Marcel; naging sikat na pangalan siya sa pilosopiya.

Ayon sa kanya, ang PROBLEMA ay isang sitwasyon na pilit nating tinitingnan na hiwalay sa ating sarili para mabigyan ito ng karampatang solusyon. Kung may mga kapareho nga naman ang problemang ito sa mga naunang mga problemang nabigyan na ng solusyon, mas madali na itong lutasin, batay sa mga naunang karanasan. May “templates” na, ika nga sa modernong linggwahe.

Pero hindi ganyan sa MISTERYO. Sa Tagalog MAHIWAGA ang tawag natin sa mga bagay na misteryoso. May kinalaman sa mga bagay na mahirap ipaliwanag, hindi naman dahil hindi talaga maintindihan kundi dahil malalim at masalimuot ang kahulugan, hindi nakukuha sa minsanang pagninilay. Hindi mo pwedeng tingnan na parang wala kang kinalaman dito o hiwalay ito sa sarili mo. At walang iisang paraan ng pagtingin sa mga bagay na mahiwaga. Humihingi ng tugon batay sa partikular na sitwasyon. Ang mga usapin ng hangarin o layunin sa buhay, o dahilan kung bakit tayo isinilang sa mundo ay hindi problemang kailangang lutasin kundi misteryong inuunawa nang unti-unti at tinutugunan ayon sa sitwasyon.

Magandang itanong—may solusyon na pala si Joseph sa problema—tahimik na diborsyo. Ba’t hindi niya ginawa agad? Kapag gumagawa tayo ng mga importanteng desisyon, sabi ng matatanda, importante ang huwag magpadalos-dalos. Bigyan ng panahon para lalong luminaw sa atin ang sitwasyon. Kung maaari, itulog muna.

Ganito na nga ang ginawa ni Joseph, itinulog muna—at paggising niya kinabukasan, mas luminaw ang mga bagay-bagay. “Things began to fall into place,” ika nga sa Ingles. Parang nahulog ang mga bagay sa tamang paglalagyan. (Kaya siguro ang salitang Ingles para sa MEANINGFUL ay maKAHULUGAN. Mayroong kinahuhulugan.)

Di ba may kanta sa pelikulang The Sound of Music na “How do you solve a problem like Maria?” Parang ganito ang pilit ginagawa ni Joseph sa una. Kapag hinaharap natin ang bawat sitwasyon ng krisis sa buhay bilang problema, malakas ang tendency na magpadalos-dalos, magkulang sa pakikinig at pagkilatis at umasa sa mga tipikal na solusyon na alam natin. May mga bagay na hindi lang sa isip inuunawa kundi sa loob, sa puso.

Karamihan sa mga taong problemado ay nasa panic mode. Kaya madalas kong irekomenda ang Prayer for Serenity sa mga kilala kong problemado. Sabi ng panalanging ito para sa kapanatagan ng loob:

“Panginoong Diyos, bigyan mo po ako ng kapanatagan ng loob na tanggapin ang mga bagay na di ko na mababago, gayundin ng lakas ng loob na baguhin ang pwede pang mabago, at ng karunungan upang malaman ang pagkakaiba ng dalawa.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,553 total views

 31,553 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,209 total views

 46,209 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,324 total views

 56,324 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,901 total views

 65,901 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,890 total views

 85,890 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,378 total views

 7,378 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,508 total views

 9,508 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,508 total views

 9,508 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,509 total views

 9,509 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,505 total views

 9,505 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,378 total views

 10,378 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,579 total views

 12,579 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,612 total views

 12,612 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,966 total views

 13,966 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,062 total views

 15,062 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,271 total views

 19,271 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,989 total views

 14,989 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,359 total views

 16,359 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,621 total views

 16,621 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,314 total views

 25,314 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top