1,960 total views
Hiniling ng Santo Papa Francisco sa mananampalataya na magkaisang ipanalangin ang pagkakaisa ng sanlibutan at wakasan ang anumang karahasan.
Ito ang mensahe ng santo papa sa Angelus sa Vatican nitong December 18.
Batid ng pinunong pastol ng simbabang katolika ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Peru dahil sa political crisis.
Mahigit isang linggo mula nang maaresto si former Peru President Pedro Castillo umiigting ang mga kilos protesta sa bansa na nagdudulot ng karahasan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at raliyista.
Umaasa si Pope Francis na idaan sa wastong pag-uusap ang anumang sigalot upang maisaayos ang hindi pagkakaunawaan.
“We also pray for peace in Peru, that the violence in the country may cease and that the path of dialogue be undertaken to overcome the political and social crisis afflicting the population,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Kasalukuyang nahaharap sa kasong rebelyon at conspiracy ang dating pinuno ng Peru na sa huling hatol ng korte ay pinalawig hanggan 18 buwan ang pagkabilanggo.
Nasa 20 katao na rin ang nasawi dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan kaya’t isinailalim ang ang buong bansa sa state of emergency.
Muling binigyang diin ni Pope Francis na walang kabutihang maidudulot ang karahasan at digmaan kundi sanhi lamang ito ng pagkakawatak-watak ng lipunan, pagkasawi ng mga inosenteng indibidwal kabilang na ang mga kabataan.