1,701 total views
Ito ang paninidigan ng Caritas Philippines matapos ang mabilis na pag-apruba ng House of Representatives sa House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon kay Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nahaharap ang Pilipinas sa mga suliraning dulot ng pandemya at krisis sa ekonomiya.
“Lalo na at walang surplus o sobrang pondo na pwedeng ilaan dito. Higit sa lahat, hindi pa sapat ang tugon ng ating gobyerno pagdating sa epekto ng COVID-19 pandemic, krisis sa ating edukasyon, at sa mataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Pangamba naman ni Father Antonio Labiao, Executive Secretary ng Caritas Philippines na maaaring magsanhi ng paglaganap ng katiwalian ang pagsusulong ng Sovereign Wealth Fund.
Ito ay dahil sa kakulangan ng mga panuntunan na maaring ipatupad sa House Bill 6398
“Walang regulatory restrictions, masyadong risky and vulnerable to corruption. Hindi rin sigurado na kikita agad ito, yung chance na pumalpak ito ay napakalaki and we can’t afford it ngayon na napakalaki ng ating fiscal deficit at national debt,” ayon nama nsa pahayag ni Father Labiao,”
Una ng tinutulan ng Church People Workers Solidarity ang pagsusulong ng Maharlika Investment Fund dahil na rin sa pangambang magsanhi ito ng ‘Floodgate of Corruption sa Pamahalaan’ kasabay ng agam-agam sa naunang pagkukunan ng mga pondo nito.