Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 607 total views

Panlimang Araw ng Simbang Gabi, Martes ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2022, Luke 1:26-38

Pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa PAGSUNOD. Sa Ingles, OBEDIENCE. “Masunurin” ang katumbas sa Tagalog ng Ingles na “obedient”. Galing sa ugat na salitang SUNOD, na siyang ibig sabihin ng maging alagad—sa Ingles, a FOLLOWER o DISCIPLE. Ang kuwento ng ating ebanghelyo ay tungkol sa simula ng pagiging alagad ni Maria.

Alam ko, ang karaniwang larawan natin ng pagsunod ay ang pagiging alipin. Ano nga ba naman ang magagawa ng isang alipin kapag inutusan siya ng kanyang amo? E di sumunod, sa ayaw niya’t sa gusto, kung ayaw niyang maparusahan. Sunud-sunurin ang tawag sa ganyan.

Noong unang panahon, noong ligal pa ang pang-aalipin, malalaman mo daw kung pasaway ang alipin sa dami ng latay niya sa likod. Ibig sabihin, marami-raming hagupit ang pinagdaanan niya bago siya napasunod.

Hindi makatao ang ganyan. At magpasalamat tayo sa Diyos na sa buong mundo itinuturing nang iligal ang mang-alipin ng kapwa.

Pero teka, hindi ba’t “alipin” (Gr. doule) ang itinawag ni Maria sa kanyang sarili noong sumagot siya sa misyon na ipinagagawa ng Diyos sa kanya at nagpasyang sumunod? Puwede bang humindi si Maria? OO. Puwede ba siyang hindi sumunod? Oo. Pinilit ba siya ng Diyos? HINDI. Hindi ALIPIN ang tawag sa ganyan kundi ALAGAD.

Hindi kailanman paraan ng Diyos ang pamimilit. Hindi ikinatutuwa ng Diyos ang sumunod nga pero labag naman sa kalooban. Kaya nga ang pinakadakilang kautusan para sa Lumang Tipan ay “Makinig ka, Israel. Ibigin mo ang Panginoong iyong Diyos nang buo mong puso, buo mong isip, at buo mong kaluluwa.” Hindi sinabing “Sumunod ka sa Panginoong iyong Diyos sa ayaw mo’t sa gusto.” Narito ang mga sangkap ng tunay na PAGSUNOD. Una, makinig. Pangalawa, tumugon nang may pag-ibig.

UNA, MAKINIG. Sa Ingles, iba pa ang “hearing” sa “listening”. Puwede kasing naririnig mo pero hindi ka nakikinig. Alam mong nakikinig ang tao kapag nakatuon siya sa kausap niya at inuunawa ang sinasabi nito. Di ba sa iskul madalas sabihin ng titser kapag merong test, “Please read the instructions carefully.” Ang ibig sabihin, hindi lang basahin lang o pakinggan, kundi unawain. Maraming bumabagsak sa test hindi naman dahil hindi nila alam ang sagot kundi dahil hindi inunawang mabuti ang mga instructions.

Hindi ba’t hindi naman basta lang lumundag sa dilim si Maria? Sa totoo lang, sa tingin ko nga maingat siya. Pagbati pa lang inuunawa na niya. Sabi ni San Lukas, “Nabagabag si Maria at inunawa niya sa loob niya ang kahulugan ng pagbati ng anghel.” Tandaan natin, nagsimula ang panunukso ng ahas kina Adan at Eba sa isang pagbati. Ang mga swindler o scammer o manggagantso, mahilig iyan sa “small talk”. Kung bagito ka, idadaan ka sa pambobola. Hindi tunay ang pagsunod kung hindi ka nakinig nang may pag-unawa.

IKALAWA, IBIGIN. Ibig sabihin hindi ka pinipilit; inaalok ka lang. Nililigawan, hindi inililigáw. Mag-iingat sa mga nanlilígaw na manliligáw sa iyo, katulad ni Satanas. Hindi ka ililigáw ng Diyos; dadalhin ka sa tamang daan. Hindi lang niya ipahahayag at ipauunawa sa iyo ang kalooban niya. Niyayaya ka ring ibigin mo, o gustuhin mo. Iyon ang ibig sabihin ng pagtalima. Kusang-loob. Sabi ni Papa Benedicto, ito raw ang simula ng pananampalataya: ang pagtugon sa Diyos na nag-aanyaya… ang tugon na pag-ibig sa Diyos na unang umibig sa atin.

Kailan natin natatawag na pag-ibig ang pagsunod? Kapag ito’y buong puso. Hindi kalahating puso, hindi hati ang kalooban. Hindi pilit o labag sa kalooban. Walang pag-aatubili, walang-pag-iimbot at buong katapatan, wika ng panunumpa sa watawat.

Ang kuwento ni San Lukas ay matatawag nating kuwento ng bokasyon. Kahit alam nating ang bokasyon ay tungkol sa tawag ng Panginoon o paanyaya sa isang misyon, ang pinaka-importante ay ang ating kusang-loob na pagtugon.

Madalas gamitin ang salitang PAGSUKO bilang larawan ng pagsunod. “Surrender to God’s will!” O “Pagsuko sa Kalooban ng Diyos.” Hindi kaya mas maganda ang “Embracing God’s Will” kaysa “Surrendering to God’s Will?” Ang alam ko kasi, iyung sumusuko ay iyung natalo ng kalaban. Hindi naman kalaban ang Diyos, kaya bakit ka “susuko”? Mas mabuting ilarawan ang pagsunod bilang PAGYAKAP sa kalooban ng Diyos bilang ating sariling kalooban.

May suggestion ako. Sa susunod na magdasal ng orasyon, palitan ang ALIPIN ng ALAGAD, upang makuha natin ang tunay na kahulugan ng pagsunod. “Alagad ako ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa sinabi mo.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,427 total views

 36,427 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 51,083 total views

 51,083 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,198 total views

 61,198 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 70,775 total views

 70,775 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 90,764 total views

 90,764 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,458 total views

 7,458 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,588 total views

 9,588 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,588 total views

 9,588 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,589 total views

 9,589 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,585 total views

 9,585 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,458 total views

 10,458 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,659 total views

 12,659 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,692 total views

 12,692 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,046 total views

 14,046 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,142 total views

 15,142 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,351 total views

 19,351 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,069 total views

 15,069 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,439 total views

 16,439 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,701 total views

 16,701 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,394 total views

 25,394 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top