2,288 total views
Pinaalala sa mamamayan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na pahalagahan ang sakripisyo ng mga seafarers higit ngayong kapaskuhan.
Tinukoy ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI na naging masaya ang selebrasyon ng pasko dahil sa mga seafarer na naghahatid ng ibat-ibang uri ng produkto sa buong daigdig.
“And so being imported or exported to and from different countries around the globe, our hardworking and honest seafarers brought them to us, it is truly what we said ‘no shipping, no shopping, let us be ever grateful to our seafarers for making our Christmas merry, let us appreciate their services and sacrifices that we have food to partake; gifts to give; items to use, to wear and to share.”paalala ni Bishop Santos.
Iginiit ng Obispo na nararapat kilalanin ang sakripisyo ng mga seafarer na nagta-trabaho kahit pasko upang ibigay ang pangangailangan ng pamilya.
Hinimok naman ni Bishop Santos ang mga seafarer na paigtingin ang pananalangin at pananampalataya sa Panginoon na magiging gabay sa kanilang paglalayag.
“Our dear seafarers who are with us please make this Christmas season a grace-filled occasion to connect and re-connect, to renew and to reconcile with God and with families. Our dear seafarers who are still on board please rest assured of our prayers and Holy Masses for your safety, sound health, and with Jesus our true Light of the world would truly bring you prosperity and peace back home.”mensahe ni Bishop sa Santos sa Radio Veritas.
Tiniyak rin ng CBCP-ECMI ang patuloy na pag-aalay ng mga misa at pananalangin para sa mga Seafarers.
Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration ngayon taon ay aabot sa 220-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarer sa ibat-ibang bahagi ng mundo