2,412 total views
Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na si Hesus ay nananahan sa bawat isa sa kabila ng iba’t ibang karanasan ng tao.
Ito ang mensahe ng Arsobispo sa mamamayan sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.
Paliwanag ni Cardinal Advincula tulad ng mga pastol nawa’y maging masigasig ang bawat isa sa pagpupuri sa Panginoon na nag-alay ng Kanyang bugtong na Anak para matubos ang sanlibutan mula sa kasalanan.
“The very essence of Christmas is Jesus Christ, our Lord, and Savior, is with us and within us here and now even as many of us go through tough times; like the shepherds let us keep watch of his revelation, let us crossover beyond our selves towards his greater glory, and let us go in haste for mission,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Ayon sa Cardinal, nawa’y suriin at pagnilayan ng mananampalataya ang diwa ng pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos at dinggin ang mensahe ng Panginoon sa bawat isa sa pamamagitan ng mga karanasan.
“Sa paskong ito magmasid tayo, let us contemplate the presence of Jesus in our brothers and sisters especially the needy and the suffering,” ani ng Cardinal.
Samantala kasabay ng pakikiisa ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay kinilala rin niya ang gawain ng Radio Veritas na kaisa sa misyon ng simbahang ipalaganap ang Salitang nagkatawang tao na diwa ng Pasko.
Binigyang-diin ng Nuncio na mahalagang ipagdiwang ng mananampalataya ang kapanganakan ng manunubos dahil ito ang pagpapadama ng Diyos ng dakilang pag-ibig sa sanlibutan.
“At Christmas time we rejoice and celebrate the fact that God in His immense love for us became a human being in the person of Jesus of Nazareth.” pahayag ni Archbishop Brown sa himpilan.
Panawagan naman ni Baguio Bishop Victor Bendico na huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak.
Sinabi ng Obispo na nawa’y magsilbing aral ng karamihan ang karanasan ng pandemya na hindi lamang nakatuon sa materyal na bagay ang pagdiriwang ng Pasko kundi mas mahalaga ang pagiging malapit at damhin ang presensya ng Panginoon.
“We are meant for greatness. We are meant for more and more and more. We are meant for eternal life; Hence let us not waste the grace if the Incarnation. Let us not waste the love of God. Let us not waste his forgiveness for us, his peace for us.” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.