Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AWIT NG DALAWANG NAGSASAGUTANG CELLO

SHARE THE TRUTH

 287 total views


Homiliya para sa Huling Araw ng Simbang Gabi, Sabado ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, Ika-24 ng Disyembre 2022, Luk 1:67-79

May napanood akong video kamakailan, isang napakagandang duet performance ng dalawang cellists. Nagkataon pa naman na pinakapaborito kong musical instrument ang cello—larger version ito ng violin na iniipit sa pagitan ng mga hita ng performer. Ang nanginginig na tunog ng dalawang cello ay para bang nanunuot sa kaibuturan ng puso, parang tumatangis o nananaghoy.

Lalo kang madadala dahil sa maramdaming interpretasyon ng performers na parang nakatingala pero nakapikit ang mata, na parang ang tinitingnan ay wala sa labas o sa itaas kundi nasa loob nila. Iyung mapapaiyak ka talaga sa pakikinig sa kanila. Alam nyo ba ang pamagat ng piyesang tinugtog nila? BENEDICTUS. At ito ang pagbasa natin ngayong huling araw ng Simbang Gabi, ang inawit ni Zacarias nang matapos ang kanyang pananahimik.

Palagay ko, kaya dalawang cellists ang tumugtog sa version na iyon ng Awit ni Zacarias, ay dahil dalawang bata ang binibigkasan ng orakulo ni Zacarias sa ating pagbasa: si Jesus at ang anak niyang si Juan. Bumibigkas siya ng isang orakulo na sa umpisa, ang kausap muna ay si Maria, pagkatapos si Jesus naman, pagkatapos lilipat kay Juan, at sa huli, babalik kayJesus.

Di ba’t kahapon sa aking “reading between the lines” nasabi ko sa inyo na bukod kina Zacarias, Elizabeth at ang bagong silang na si Johnny Boy, mga kapitbahay at kamaganak, may dalawa pang karakter na naroon din sa eksena ngunit tahimik lang? Una, nandiyan pa rin si Maria, na mula sa pagiging alalay sa panganganak ni Elisabet, ngayon ay magiging babysitter ng sanggol na si Juan. At pangalawa ang tatlong buwan na baby Jesus sa sinapupunan niya.

Wala pa yata akong nakikitang imahen ng buntis na Mama Mary, na nagsisilbing “babysitter” ng sanggol na Juan Bautista. Sa imahinasyon ko, karga-karga niya ang batang Juan habang si Hesus ay dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Ang gandang ilarawan sa isip ang dalawang bata na karga ni Maria: ang isa sa mga kamay niya, at ang isa sa loob ng tiyan niya. Isipin nyo ang dalawang sanggol na halos magkadikit, balat lang ang pagitan. Pinakikiramdaman ang isa’t isa.

Kahapon ang binasa ko sa pagitan ng mga linya ay ang papel na tahimik na ginampanan ni Maria upang mabuksan muli ang dila ng siyam na buwan na nanahimik na si Zacarias. Si Maria rin ang nagpalakas ng loob kay Elisabet upang harapin ang mga intrigerong kamaganak at kapitbahay at sabihing “Juan ang pangalan ng bata.”

Ngayon naman ang sandali na bibigkasin ni Zacarias ang isang orakulo tungkol sa magiging kapalaran ng dalawang bata. Kaya pala dalawang cello na nagsasagutan ang nagtanghal ng Benedictus o Awit ni Zacarias sa konsiyertong napanood ko sa video at nabanggit ko sa simula.

May tatlong bahagi ang pagsasagutan ng dalawang instrumento. Ang paunang tugtog ng unang cello ay para kay Maria: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel…” Sasariwain nito ang kasaysayan ng kaligtasan ng bayang Israel bilang pagtupad sa kanyang “banal na tipan.” Parang pagsang-ayon ito ni Zacarias sa naunang inawit na Magnificat ni Maria at ating narinig sa ebanghelyo kamakalawa, awit ng pagmamalaki sa Diyos.

Ang kasunod na tugtog ng ikalawang cello ay para naman sa sanggol na si Juan, ang sinabi ni Zacarias sa ikalawang bahagi, “Ikaw naman anak, ay tatawaging propeta ng kataas-taasan…” Bibigkasin niya ang magiging papel na gagampanan ni Juan bilang tagapaghanda ng daan at tagaturo ng landas ng kaligtasan.

At ang huling bahagi ay ang pagsasabayan ng dalawang cello. Parang ito ang huling bahagi ng orakulo ni Zacarias para naman kay Jesus: ang bahaging nagsasabing, “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.” Dito ipinahahayag na niya ang magiging misyon ng batang Anak ng Diyos na nasa sinapupunan ni Maria: ang “Araw ng Kaligtasan” na malapit nang masilayan tulad ng bukang liwayway, ang “magbibigay liwanag sa mga nasa kadiliman at papatnubay sa atin sa daan ng kapayapaan.”

Sa araw na ito tinatapos natin ang nobena ng simbang gabi. Siyam na gabi tayong para bang sama-samang nakilakbay kina San Jose at ang malapit nang magsilang na Mama Mary. Sama-samang nakinig sa salita ng Diyos at nagnilay sa ating mga karanasan sa buhay, sa liwanag ng ating pananampalataya. Para tayong tahimik na nakinig sa musika ng kasaysayan ng kaligtasan.

Maari kayang sa sandaling ito, ipikit ang mata, at pakinggan sa isip ang awit ni Zacarias na nagpapahayag ng kagandahang-loob ng Diyos? Panalangin ko na ang biyayang tinanggap ninyo sa siyam na gabi ng paglalamay at pakikilakbay ay mag-umapaw at maghatid ng sigla, galak at kapayapaan sa bawat taong batiin ninyo bukas ng maligayang Pasko.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 13,841 total views

 13,841 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 28,497 total views

 28,497 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 38,612 total views

 38,612 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 48,189 total views

 48,189 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,178 total views

 68,178 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,983 total views

 6,983 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,113 total views

 9,113 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,112 total views

 9,112 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,114 total views

 9,114 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,110 total views

 9,110 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,982 total views

 9,982 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,184 total views

 12,184 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,217 total views

 12,217 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,571 total views

 13,571 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,667 total views

 14,667 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,875 total views

 18,875 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,594 total views

 14,594 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,963 total views

 15,963 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,225 total views

 16,225 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,918 total views

 24,918 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top