1,443 total views
Ito ang mensahe ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communication (CBCP-ECSC) sa tunay na diwa ng pasko.
Ang Pasko ay ginugunita ng mga Katoliko mula ika-25 ng Disyembre sa pasko ng pagsilang ni Hesus hanggang ika-8 ng Enero na Pagdiriwang ng Pagbibinyag kay Hesus.
Ayon sa Obispo, natatangi ang regalo ng presensya ng Diyos sa katauhan ng kanyang bugtong na anak na si Hesus na siya ring nagsisilbing katuparan ng kanyang pangakong kaligtasan para sa sanlibutan.
“Ang Pasko ay tungkol sa biyaya ng PRESENSIYA sa paraang natatangi, ito ay tungkol sa regalo ng PRESENSIYA ng Diyos sa atin, ang Panginoong Hesus! Siya ang Emmanuel! “Ang Diyos kasama natin!” How blessed are we all to be gifted by Jesus’ presence!” mensahe ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.
Inaanyayahan ng Obispo ang lahat na ipagdiwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng presensya sa kapwa at aktibong presensya kasama ang pamilya sa mga Simbahan sa pamamagitan ng personal na pagdalo ng mga banal na eukaristiya.
Hinikayat rin ni Bishop Maralit ang bawat isa na magbahagi ng biyaya ng presensya at pagkalinga lalo’t higit sa mga nangangailangan.
“So let us best celebrate this Christmas with our presence too: in our Churches, let us go to Mass and Gift Jesus with our presence! Within our families, let us value the gift of our family and try our best to celebrate Christmas with our presence in family! Among the needy, who long for the presence of God in their specific situation; a presence which we are commissioned to bring to them by sharing with them the joy of Christmas.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.
Tiwala ang Obispo na tunay na madama ng bawat isa ang diwa ng Pasko na pagpapamalas ng Panginoon sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kapanganakan ni Hesus.
“May we all truly feel the joy of Christmas in its most important truth, that we are so blessed because God decided to be with us thru His beloved Son, our Lord Jesus Christ! And let us celebrate it with meaning as we also give as a gift our presence! A blessed Christmas to all and a most meaningful New Year!” Ayon pa kay Bishop Maralit.