1,567 total views
Inaayayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na dumulog sa Panginoon at ipagpasalamat ang mga biyayang ipinagkaloob at patuloy na tatanggapin.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagsalubong ng taong 2023 kung saan hinimok ang mamamayan na hingin ang gabay ng Mahal na Birhen upang mapagtagumpayan ang paglalakbay tungo sa landas ni Hesus.
Kasabay ng pagsalubong ng daigdig sa bagong taon ay ipinagdiriwang ng simbahan ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos.
“As we bid goodbye to the old year and welcome the new year, let us come to Mary and tell her our triumphs, and struggles, our joys and sorrows, of the past year, even our worries, uncertainties, and fears because of the pandemic. Let us ask her to pray for our hopes and dreams this coming year, ” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.
Batid ng cardinal ang matitinding karanasan ng pinagdaanan ng mundo lalo na ng mga Pilipino kabilang na ang pandemya na labis ang kahirapang idinulot sa mamamayan, ang krisis sa ekonomiya na pinalala ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Aniya nawa sa tulong ng habag at awa ng Panginoon ay magtatagumpay ang bawat isa at malampasan ang anumang karanasang kakaharapin sa buong taon.
Hinikayat ni Cardinal Advincula ang mamamayan na magbuklod sa pagdulog sa Panginoon at tamasahin ang pag asa at kapayapaan hatid ni Hesus.
“On this first day of the year, which is also the World Day of Prayer for Peace, we continue to invoke the name of God to aso him to let His face shine upon us and to show his face of peace and mercy, especially to places and people that need his blessings now, God also gives us a special blessing today, and that is Mary, ” ani ng cardinal.
New Year’s Message – The Roman Catholic Archdiocese of Manila