1,739 total views
Nagluluksa ang simbahang katolika sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, higit na maalala ang dating Santo Papa bilang bilang ‘Pope of Charity’ dahil sa nailathalang ensiklikal na Deus Caritas Est na nangangahulagang God is love.
itinuturo ng ensiklikal ang kahalagahan ng pagtutulungan upang sama-samang makatugon sa pangangailangan ng mga mahihirap.
Hinihimok din ang bawat isang kabilang sa mga Social Action Network na magkaroon ng kasanayan o ‘professional competence’ para sa mga programa na nagsusulong ng adbokasiya sa pagtulong ng Simbahan sa mga mahihirap.
“Pope Benedict XVI passed on quietly on this last day of the year Dec 31, 2022, at 9:34 in the morning (Vatican time). I wish to thank all of you who accompanied him in prayer and offered special Mass intentions for his peaceful passage into eternal life. We will fondly remember him, especially those among us bishops, who had been appointed by him to the episcopal ministry. (It was Pope Benedict XVI who appointed me bishop in July 2006),” ayon sa pahayag ni Bishop David.
Nanawagan naman si Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga manananampalataya ng pakikiisa sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng dating Santo Papa.
Ayon kay Bishop Pabillo, higit na katangi-tangi rin ang nakalipas na sampung taong para kay Pope Benedict dahil narin kaniya itong inalay upang taimtim na manalangin, magpenitensya at suportahan ang simbahang katolika.
“Tayo rin po ay nagpapasalamat sa maraming biyaya na ibinigay niya po sa atin na tayo po ngayon ay maraming mga katuruan at paggabay na ibinigay niya po sa atin, kaya nagpapasalamat po tayo sa biyaya na ipinagkaloob po sa atin, eternal rest grant to him o Lord and let the light shine upon him may he rest and peace,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay bishop Pabillo
Habang inaalala naman ni Diocese of Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos si Pope Benedict sa kaniyang naging mapagkumbabang pamamaraan ng paglilingkod sa mga mananampalataya sa kaniyang pagiging dating pinunong pastol ng simbahang katolika.
“He is so holy and very humble” was our first impression of Pope Benedict XVI when as prefect of the sacred congregation for the Doctrines of Faith, he came to our Pontificio Collegio Filippino for symposium on Fides et Ratio. Very clear, so eloquent and down to earth in his theology the student-priests were much moved by his humility and with his patience. He accepted and answered all questions, accommodated all pictures taking and signing his books. He communicated with his heart, manifesting his profound knowledge and his love to his students,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Una nang nakiisa ang simbahan sa Pilipinas sa pangunguna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines katuwang ang ibat-ibang Diyosesis sa pananalangin para sa kaluwalhatian ng kaluluwa ni dating pinunong pastol.
Si Pope Emeritus Benedict the 16th ay nagsilbi bilang Pinunong pastol ng simbahan sa loob ng 7-taon, 10-buwan at 9-araw, sa kaniyang pamumuno ay nakapaglathala ang yumang Santo Papa ng 3-ensiklikal, nakapagdaos ng 24-apostolic Journey, nakadalo sa 3-pagdiriwan ng world youth day at 2-world meeting of families.