Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,457 total views

Homiliya para sa Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, Unang Araw ng Enero, 2023, Luk 2:16-21

“Bagong Taon ay magbagong-buhay.” Ito ang pinakasikat at madalas nating ulit-uliting kantang pamasko, “Ang Pasko ay sumapit”. Ano ba ang nagpapabago sa buhay natin? Ito ang pagnilayan natin ngayong gabi, bago pumasok ang bagong taon.

Pero bago ang lahat, magkukuwento muna ako. Dahil siguro lumaki ako sa isang malaking pamilya, pang-sampu sa labingtatlo at pang-anim sa mga lalaki, hindi ako nasanay sa bago noong bata pa ako. Ang mga suot ko noon, mga “hand-me-downs”. Hindi lang segunda mano. Minsan tatlo, apat o limang beses nang pinagpasahan ng mga nakatatandang mga kuya ko. Kaya hindi ako nasanay magpabili ng bagong damit. Kung anong meron, okey na iyon.

Pero may kapatid akong mahilig sa bago. Naikuwento niya sa akin na noong malapit na siyang gumradweyt ng grade six, kinulit niya ang nanay ko na ibili siya ng bagong sapatos. Naglambing siya nang husto, sumuyo, nagsipag sa bahay, at inulit-ulit na bagong sapatos lang naman ang pangarap niya para sa graduation niya.

Minsan daw, gumising nang maaga ang nanay para mamalengke, dala ang basket niya. Pero bago lumabas, binuksan muna ang aparador na pinaglalagyan namin ng mga sapatos. Dahil parang may hinahalungkat siya, nagising ang kapatid kong nagpapabili ng sapatos. Nakita niya si nanay, inilabas sa aparador ang lumang pares ng sapatos na butas na ang suwelas. Isinupot at nilagay sa basket niya at lumabas na siya at nag-abang ng jeep para magtungo ng bayan.

Hindi niya alam binuntutan pala siya ng kapatid ko dahil masama ang kutob. Sumakay din ng jeep at parang secret agent na nagmanman. Nakita niya na bumaba ang nanay ko sa may repair shop ng sapatos. Tama nga ang kutob niya.

Umuwi siyang malungkot. Noong araw bago siya gumradweyt, hinihingi niya ang bagong sapatos na pinangako sa kanya. Hindi sumagot si nanay. Basta nilabas sa aparador ang isang bagong kahon na nakabalot pa ng panregalo. Nang buksan niya, umasim ang mukha niya. Umiyak siya, “Alam ko namang hindi bago ito, pinarepair mo lang. Tatlo na nga sa mga kuya ko ang nagsuot nito. Niloloko mo naman ako, ima, e. Nasundan nga kita sa bayan noong araw na pinarepair mo ito.”

Maghapon daw siyang nagtampo, ayaw kumain. Kaya kinausap siya at nagsorry ang nanay at pinaliwanagan siya. “Sorry anak ha. Alam ko nangako ako. Pero wala kasi tayong pambili ng bago ngayon. Pag ginastos ko sa sapatos ang naitabi kong konting pera, baka walang ipambayad ng tuition sa college ang kuya mo. Dahil noon lang niya narinig na nagsorry ang nanay ko ngumiti na siya. Sabi daw niya, “Di bale, ima, mahusay naman ang pagkaka-repair: bago ang suwelas, bago ang takong, bago ang tali, at bagong shine pati. Parang bago na rin.” At masaya siyang gumradweyt.

Hindi niya nalimutan ang karanasan niyang iyon. Siguro dahil nagbago rin ang paningin niya sa nanay ko, at naramdaman niya na parang natuto siyang umunawa sa sitwasyon. Parang feeling niya nag-mature siya.

Ang Misang ito ay bihilya, hindi lang ng bagong taon, kundi ng Kapistahan ni Mariang Ina ng Diyos. Ang ebanghelyong binasa natin ay ang kasunod ng kuwento ng panunuluyan na binasa naman natin noong Paskong hatinggabi.

Masakit ang pinagdaanan nina Maria at Jose sa Bethlehem. Ayon kay San Lukas, hindi daw sila pinagbuksan sa oras ng kanilang pangangailangan. Pero hindi sinabi ni San Lukas na “itinanim ni Maria ang mga bagay na iyon sa kanyang puso”. Kung minsan, kapag nasaktan ka sa pakikitungo ng isa, dalawa, o ilang tao, kapag nagtanim ka ng sama ng loob, parang kang nadadala, parang nakukulayan na ang paningin mo kahit sa ibang tao. Parang ayaw mo nang magtiwala sa kapwa. Iisipin mo na lahat ng tao ganoon din—maramot, malupit, walang pakialam, walang malasakit sa kapwa. Na parang walang kakaiba; na parang pare-pareho lang ang lahat.
Pero may ibang mga karanasan na pwedeng magpabago sa ating pananaw. Katulad ng pagbasa ngayong gabi. Hindi naman totoong walang nagpatuloy sa kanila sa Bethlehem. Meron naman, di ba? Ang mga pastol; sila ang dumamay sa kanila. Ano bang tahanan meron ang mga abang pastol kundi ang mga sabsaban kasama ang mga alaga nila? Silang mga pinakaaba ang nagmagandang-loob sa kanila, hindi mga mayayamang kamag-anak sa lahi ni Haring David na marahil ay nakarinig ng tsismis tungkol sa intriga sa buhay ni Jose, kaya hindi sila pinagbuksan. Minsan kung sino pa ang walang-wala, siya pa ang mas mabilis magmalasakit sa kapwa.

Ang malasakit na iyon ang tinandaan ni Maria at itinago sa kanyang puso. Iyon ang nagpabago sa pananaw niya sa mga taga-Bethlehem. Naalala pa ba ninyo iyong ikinuwento ko sa inyo noong 2019–nang mag-overheat ang ang sasakyan ko sa expressway at, dahil bagong taon ay walang mekaniko sa gas station? Di ba’t naikwento ko na may lumapit at nag-alok na kung magdadala daw kami ng maraming tubig, mailalabas pa namin ang sasakyan sa expressway para ma-repair niya sa bahay niya.

Nakalabas nga kami ng expressway pero pumasok kami sa liblib at madilim na lugar at akala ko hoholdapin niya ako. Sa iskwater pala siya nakatira, walang kalsada, walang kuryente, barong-barong ang tirahan. Pagdating sa bahay niya naglock pa ako sa loob sa takot na baka pukpukin ako at nakawan. Pero hindi pala siya masamang tao.

Matapos niyang magawa ang sasakyan ko, noon ko nakita na napakabuti pala niyang tao. Niyaya pa ako sa loob ng barong-barong niya at pinakilala sa akin ang asawa na may kargang sanggol na kapapanganak pa lang noong Christmas. Pinakain pa ako sa kanilang munting dampa. Kung kinunan ko ng picture ang mag-anak na nakasalo ko, baka tinawag ninyong Pinoy na Belen. Hinding-hindi ko malimutan iyon dahil talagang parang nakasalo ko sa hapag ang Sagrada Pamilya. At iyon ang mismong taon na in-appoint ako ni Pope Benedict na maging obispo: 2006, seven months later.

Para bang inihanda ako ng karanasan na iyon. Na bago ako mahirang na obispo, binago muna ng Panginoon ang pananaw ko sa mga dukha. Ang daming mga taong ang konsepto sa mga lugar ng mga dukha, lalo na sa mga iskwater ay pugad ng mga kriminal, pusakal ng lipunan, addict at magnanakaw. Ang akala kong manghoholdap sa akin, siya palang tutulong sa akin. At di ba nabanggit ko nga sa inyo na Joseph pa mandin ang pangalan niya?

Sabi ni San Lukas, “tinandaan at pinagnilayan” ni Maria ang mga pangyayari. Iyon ang nagpabago sa pananaw niya. Iyon din ang maaaring magpabago sa mga buhay natin. Mahalaga na tinatandaan natin ang nakaraang mga pagkakamali para hindi na ulitin sa kasalukuyan. Tinatandaan natin ang mga pagpapalang dumarating sa buhay natin para maisabuhay natin ang buhay bilang pasasalamat.

Ang bagong taon ay ipinagdiriwang din natin bilang pandaigdigang araw ng kapayapaan. Ang pinakaimportanteng pagbabagong pananaw na pwedeng magpabago ng ating mga buhay ay iyong sinasabi ng refrain ng madalas nating marinig na kantang “Lord make me an instrument of your peace.”

Paano maging daan ng kapayapaan? Magbago ng pananaw sa buhay. Na kung ibig mong unawain ka, ang susi ay umunawa ka. Na kung ibig mong tumanggap, ang susi ay magbigay. Na kung ibig mong patawarin ka, ang susi ay magpatawad. Na kung ang hangad mo ay walang hanggang buhay, ang susi ay kahandaang mag-alay ng buhay. Manigong bagong taon po sa inyong lahat.

(Photo below is a painting of the Birhen ng mga Aeta by Edgar Nucum at the Apu Mamacalulu Shrine in Angeles City)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 26,588 total views

 26,588 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,244 total views

 41,244 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,359 total views

 51,359 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,936 total views

 60,936 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,925 total views

 80,925 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,273 total views

 7,273 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,403 total views

 9,403 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,402 total views

 9,402 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,404 total views

 9,404 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,400 total views

 9,400 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,272 total views

 10,272 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,474 total views

 12,474 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,507 total views

 12,507 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,861 total views

 13,861 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,957 total views

 14,957 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,165 total views

 19,165 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,884 total views

 14,884 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,253 total views

 16,253 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,515 total views

 16,515 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,208 total views

 25,208 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top