Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, ENERO 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,256 total views

Martes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Hebreo 2, 5-12
Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9

Pinamahala sa Anak
ang ginawa niyang lahat.

Marcos 1, 21b-28

Tuesday of the First Week in Ordinary Time (I) (Green)

UNANG PAGBASA
Hebreo 2, 5-12

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Hindi sa mga anghel ipinailalim ng Diyos ang sanlibutan na noo’y kanyang lilikhain – ang sanlibutang tinutukoy namin. Sa halip ay ganito ang patunay sa isang bahagi ng Kasulatan,

“Ano ang tao upang siya’y iyong alalahanin o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
Sandaling panahong siya’y pinababa mo kaysa mga anghel,
Ngunit pinagkalooban mo siya ng kadakilaan at karangalang marapat sa isang hari,
at ipinailalim mo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.”

Nang ipailalim ng Diyos ang lahat ng bagay sa kapangyarihan ng tao, walang bagay na di ipinailalim sa kanya. Sa kasalukuyan, hindi pa natin nakikitang napapailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay. Subalit alam nating si Hesus, bagamat sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Hesus ay mamatay para sa ating lahat. Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya’y pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian. Marapat lamang na gawin niya iyon sapagkat si Hesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.

Si Hesus ang nagpapabanal sa kanila, at iisa ang Ama ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal. Kaya’t hindi niya ikinahiyang tawagin silang mga kapatid. Ganito ang kanyang sinabi:

“Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan,
At aawit ako ng papuri sa iyo sa gitna ng kapulungan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9

Pinamahala sa Anak
ang ginawa niyang lahat.

Ikaw, O Poon, Panginoon namin,
laganap sa lupa ang iyong luningning.
Ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
ay ano nga siya na sukal mong kalingain?

Pinamahala sa Anak
ang ginawa niyang lahat.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Pinamahala sa Anak
ang ginawa niyang lahat.

Mga baka’t tupa, hayop na mabangis
at lahat ng ibong nasa himpapawid,
at maging sa isda, sa ilalim ng tubig.

Pinamahala sa Anak
ang ginawa niyang lahat.

ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13

Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 21b-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Sa lungsod ng Capernaum sa Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay pumasok sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masamang espiritu. At sinunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita sa atin si Kristo nang may walang hanggang kapangyarihan at mga himala ng pagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may matibay na paniniwala:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tunay na makapangyarihan, hipuin Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ituro ang katotohanan ni Kristo at labanan ang mga kasamaan sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno sa daigdig nawa’y isulong ang kabutihan sa kani-kanyang gobyerno at maging maalab sa pagbabaklas ng kasamaan sa lipunan na kanilang sinumpaang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi manghinawa sa ating buhay-pananalangin upang hindi manaig sa ating buhay ang masamang espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging malaya sa kanilang mga pisikal at espiritwal na paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magtamasa ng maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagbubunyi kami sa yaman ng iyong pag-ibig sa amin. Pakatatagin mo ang iyong kapangyarihan sa amin at samahan mo kami sa landas ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,993 total views

 32,993 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,070 total views

 48,070 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,041 total views

 54,041 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,224 total views

 58,224 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,505 total views

 67,505 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Oktubre 20, 2024

 194 total views

 194 total views Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 53, 10-11 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hilig. Hebreo 4, 14-16 Marcos 10, 35-45 o kaya Marcos 10, 42-45 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green) Sunday for Cultures UNANG PAGBASA Isaias 53, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Oktubre 19, 2024

 492 total views

 492 total views Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng nasa mundo. Lucas 12,

Read More »

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 916 total views

 916 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 1,370 total views

 1,370 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,835 total views

 1,835 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 2,046 total views

 2,046 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 2,285 total views

 2,285 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,689 total views

 2,689 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,971 total views

 2,971 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,953 total views

 2,953 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 3,130 total views

 3,130 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 3,458 total views

 3,458 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,728 total views

 3,728 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,726 total views

 3,726 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 3,900 total views

 3,900 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »
Scroll to Top