1,554 total views
Nakiisa rin ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagluluksa ng sambayanan Katoliko sa pagpanaw ng dating pinuno ng Simbahang Katolika na si Pope Emeritus Benedict XVI.
Ipinapaabot din ni House Speaker Martin Romualdez ang pakikiramay maging ng kaniyang buong pamilya sa namayapang dating Santo Papa.
“We mourn with the rest of the world on the passing of a great leader of the Catholic faith, Pope Benedict XVI,” ayon kay Romualdez.
Bilang ang Pilipinas na binubuo ng higit sa 80 milyong katoliko, ikinalulungkot ng sambayanang Filipino ang pagpanaw ni Benedict XVI at nawa ay maluwalhating tanggapin sa kaharian ng Diyos.
“But with this grief comes hope and joy as we celebrate his life, his principles, and his legacy,” dagdag pa ng mambabatas.
Una na ring hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalatayang Filipino na ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng pumanaw na Santo Papa.
Si Benedict XVI ay namayapa noong Sabado sa edad na 95, tatlong araw makaraan ipabatid ng Vatican ang malubhang kalagayan ng dating Santo Papa dulot ng matagal ng karamdaman at katandaan.