Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gagaan pa ba ang trapik?

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Mga Kapanalig, dahil sa matinding traffic ilang araw bago mag-Pasko, lalo na sa malalaking lansangan dito sa Metro Manila, may mga kababayan tayong binalikan ang mga sinabi ng dating DPWH Secretary at ngayon ay Senador Mark Villar tungkol sa problemang ito.

Ilang buwan matapos italaga ni dating Pangulong Duterte bilang DPWH secretary, sinabi ni Ginoong Villar na ang problema ng trapiko ay masosolusyunan ng administrasyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Hindi pa nga raw siya “too ambitious.” Noong Abril 2021 naman, sa kasagsagan ng pandemya, sinabi niya sa kanyang Facebook post na ang trapiko sa Metro Manila “will never be the same.” Ang bawat siyudad daw ay magiging konektado, at ang magiging biyahe sa mga ito ay mula 20 hanggang 30 minuto lamang. Inulit niya ito sa Facebook kung saan ipinagmalaki niyang umarangkada na ang EDSA Decongestion Program. Prayoridad daw ng DPWH, ang kagawarang nangunguna sa mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Build, Build, Build Program, ang pagtatayo ng mga kalsadang pakikinabangan ng publiko, kabilang ang mga highway na magpapagaan sa mabigat na daloy ng trapiko.

Ngunit sa pagbabalik ng mga sasakyan ngayong halos wala nang pumipigil sa mga taong lumabas ng kanilang bahay, kumabig si Senador Villar. Hindi naman daw niya “sinasabi na kayang tapusin [ang] traffic sa Metro Manila” sa loob lamang ng ilang taon. Ang importante raw, mayroon tayong “malaking improvement” sa mga susunod na taon.

Tahimik pero sumisigaw daw ang mga gawa ng nakaraang administrasyon. Pero sumisigaw din ang mga biyahero at pasahero dahil sa matinding trapik. Maging sa ipinagmamalaking Skyway, trapik din ang nararanasan ng mga dumaraan doon. Kahit nga ang kapwa senador ni Senador Villar na si Senadora Nancy Binay ay inireklamo minsan ang matinding trapiko sa Skyway.

Samakatuwid, hindi solusyon ang pagtatayo ng marami pang kalsada upang maibsan ang trapiko sa mga lungsod. Marami na nga ang nagsasabing mas malaki ang magagawa ng pagpapahusay sa ating public transport system. Ang pagtatayo ng mga kalsada, sa totoo lang, ay para sa mga may sariling sasakyan. Lumilikha pa ito ng tinatawag na “induced demand” kung saan mas naeengganyo ang mga pribadong motorista na gamitin ang kanilang sasakyan dahil alam nilang may mga kalsada silang madaraanan. At kapag dumagsa na sila sa mga lansangan, tiyak na bibigat ang daloy ng trapiko. Sa madaling salita, kung magtatayo tayo ng mas maraming highway, mas maraming drayber ang dadaan sa mga ito.

Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, ang kalidad ng buhay sa mga lungsod ay nakaugnay sa sistemang pantransportasyon sa mga ito. Maraming pribadong sasakyan ang naglalakbay sa mga kalsada, gayong iisa o kakaunti lamang ang nakasakay sa mga ito. Nagdudulot ito ng matinding trapiko, polusyon, at malakas na paggamit ng gasolinang nakapipinsala sa kapaligiran. Sa pagdagsa ng mga pribadong sasakyan dahil na rin sa pagtatayo ng mga kalsada, kailangan ding magtayo ng malalawak na parking spaces, mga espasyong magagamit sana sa mas makabuluhang bagay katulad ng pabahay para sa mahihirap o mga parke. Ang nakalulungkot, ang mga walang sariling sasakyan ay nagtitiis sa mga siksikang bus, dyip, at tren, at nag-aaksaya ng oras at lakas sa trapiko. Ang problema sa trapiko ay isa ngang isyu ng kawalang-paggalang sa dignidad ng tao at ng kawalang-katarungan sa lipunan.

Mga Kapanalig, mararanasan pa ba kaya natin sa ating mga lungsod ang ganda ng mundong nilikha ng Diyos, ang sanilikhang ayon nga sa aklat ng Genesis ay “pinagmasdan Niya at lubos Siyang nasiyahan”? Bilang mga Kristiyano, panatilihin natin ang pag-asa. Bilang mga mamamayang Pilipino, hingin natin ito sa mga binigyan natin ng kapangyarihang mamuno.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,665 total views

 27,665 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,321 total views

 42,321 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,436 total views

 52,436 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,013 total views

 62,013 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,002 total views

 82,002 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,666 total views

 27,666 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,825 total views

 2,825 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,322 total views

 42,322 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,437 total views

 52,437 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 62,014 total views

 62,014 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,003 total views

 82,003 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,422 total views

 48,422 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,447 total views

 43,447 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,016 total views

 47,016 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,471 total views

 59,471 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,538 total views

 70,538 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,857 total views

 76,857 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,468 total views

 81,468 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,028 total views

 83,028 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,589 total views

 48,589 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top