1,192 total views
Kinilala ng Santo Papa Francisco bilang master of catechesis ang namayapang Pope Emeritus Benedict XVI.
Sinabi ni Pope Francis na nais ng dating santo papa na samahan ang sambayanang kristiyano sa landas ni Hesukristo sa pamamagitan ng kanyang pagpapastol.
“I would like us to join with those here beside us who are paying their respects to Benedict XVI, and to turn my thoughts to him, a great master of catechesis. His acute and gentle thought was not self-referential, but ecclesial, because he always wanted to accompany us in the encounter with Jesus. Jesus, Crucified and Risen, the Living One and the Lord, was the destination to which Pope Benedict led us, taking us by the hand.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.
Batid ng punong pastol na tumimo sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo ang mga katesismo ni Pope Benedict XVI na kanyang ipinagpapatuloy lalo na ang pagpapaigting sa interreligious dialogue sa pagitan ng iba’t ibang pananampalataya.
Aniya, nawa’y sa tulong ng dating santo papa ay maging masigasig ang bawat isa sa pamumuhay bilang mga kristiyanong nananalig sa pag-asang hatid ni Hesus sa sanlibutan.
“May he [Pope Benedict XVI] help us rediscover in Christ the joy of believing and the hope of living.” ani ng santo papa.
2013 nang magbitiw sa panunungkulan si Pope Emeritus Benedict XVI makalipas ang walong taong pamumuno sa simbahang katolika dahil sa kanyang karamdaman.
Gayunpaman, nanatili itong nakasuporta sa liderato ni Pope Francis sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.
January 5, pangungunahan ni Pope Francis ang requiem mass sa namayapang santo papa bago ihimlay sa crypt sa St. Peter’s Basilica kung saan inilagak noon ang mga labi ni St.John Paul II.