1,120 total views
Ipinarating ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagbati at pakikiisa sa mga estudyante ng Ateneo De Manila University na napanalunan ang Championship title sa kauna-unahang pagkakataon sa World Universities Debating Championship (WUDC) na ginanap sa Madrid Spain.
Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, katangi-tangi ang karangalang inuwi ng mga ADMU Bachelor of Science Applied Mathematics students na sina David Africa and Toby Leung hindi lamang para kanilang unibersidad kungdi para sa Pilipinas.
“I would like to extend my sincerest congratulations to the Ateneo De Manila University (ADMU) community and particularly to the Ateneo Debate team of David Demitri Africa and Tobi Leung who have just won the 2023 World Universities Debating Championships held in Madrid, Spain,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.
Kasabay nito ay muling tiniyak ni Arellano ang pagpapatuloy ng CEAP sa pagsasagawa ng mga programa at hakbang na tutulungang malinang ang kakayahan o kasanayan ng bawat mag-aaral.
“As one of the foremost educational institutions in the country, ADMU has truly nurtured many young people who have embodied gospel values and Catholic transformative education. Indeed, they have excelled in bringing honor and academic development to our society,” ayon pa kay Arellano.
Hinimok rin ni Arellano ang mga kabataan na gamiting inispirasyon ang pagkapanalo nila Leung at Africa upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang sama-samang mapanibago ang mundo na nakaayon sa plano ng Panginoon.
Ang W-U-D-C ay ang prestihiyosong Academic Worldwide Debate Competition na nagsimula noong 1980 at taon-taong isinasagawa tampok ang mga estudyanteng kalahok mula sa mga nangungunang pamantasan, unibersidad o paaralan sa buong mundo.