Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 309 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Panahon ng Kapaskuhan, Ika-5 ng Enero 2023, Juan 1:43-51

Ang bilis naman yata ng pagbabago ng tono ni Nataniel sa ebanghelyo. Kasasabi pa lang niya na “hindi siya bilib”; meron daw bang magaling o mabuti na pwedeng manggaling sa liblib na barangay ng Nazareth? Ngayon hindi lang siya magbabago at “bibilib”; aba bigla ba namang magpapahayag ng pananampalataya kay Hesus bilang ANAK NG DIYOS AT HARI NG ISRAEL?

Sa sumikat na American TV series tungkol sa buhay at misyon ni Jesus, ang THE CHOSEN, para ipaliwanag ang pagbabago ng disposisyon ni Nataniel, nag-“reading between-the-lines” ang script-writer ni Dallas Jenkins. Pinakilala niya si Nataniel bilang isang trying-hard na apprentice sa Roman architecture at engineering.

Dahil mahusay siyang gumuhit, medyo sumobra nang kaunti ang pagkabilib niya sa sarili, nag-alok ba naman siya ng serbisyo na ipagtayo ng isang Roman-style na bahay ang isang kliyente. Ang ganda naman talaga ng disenyo niya sa papel. Pero nang itayo na ang bahay, dahil mali ang kalkulasyon, nang halos nabubuo na ang balangkas biglang ba naman itong nag-collapse at nadisgrasya pati mga construction workers.

Sira ang repustasyon niya at mabigat pa ang konsensya niya kaya nag-suffer ng depression at sa ilalim ng isang fig tree, nagreklamo siya sa Diyos, naghinga siya ng sama ng loob sa Panginoon—bakit daw niya hinayaang mangyari iyon, gayong nagdarasal naman siya at wala namang inaagrabyadong tao sa buhay niya. Nagbabalak na siyang mag-suicide at tinitingnan na niya ang sanga na pagtatalian niya ng pambigti ng sarili niya sa ilalim ng fig tree, pero hindi niya magawa. Parang di niya maituloy ang maitim na balak niya. Kaya umuwi na lang siya at naglasing.

Noon naman siya matatagpuan ni Philip sa bahay, may hang-over pa mula sa magdamag na paglalasing. Kaya nang sabihan siya ni Philip na natagpuan na nito ang Mesiyas kay Jesus na anak ni Joseph na taga-Nazareth, malamig atmay pagka-sarcastic ang reaksyon niya. Di niya alam na nandoon na mismo sa may bukana ng pintuan ang Jesus na ibig ipakilala ni Philip sa kanya. Baka nga narinig pa nito ang panlalait na lumabas sa bibig ni Nataniel, “Meron daw bang mabuting pwedeng manggaling sa Nazareth.”

Laking gulat tuloy niya nang pumasok sa eksena si Jesus at sinabi, “Heto ang tunay na Israelita; walang kaplastikan.” At mabilis namang sasagot si Nataniel, “Magkakilala ba tayo?” At ang simpleng sagot ni Jesus ay “Bago ka nakita ni Philip nakita na kita sa ilalim ng fig tree.”

Napanganga sa pagkabigla si Nataniel. Ni hindi niya mabigkas ang tanong sa loob-loob niya, “Paano mo nalaman?” Tuloy napaluhod siguro siya at “Ikaw ang Anak ng Diyos; ikaw ang hari ng Israel.” At si Jesus naman ay nakangiti, habang sinabing, “Iyon lang, bilib ka na? Dahil sinabi kong nakita kita sa ilalim ng fig tree? Mas higit pa diyan ang makikita mo. Bubukas ang langit sa iyo at makikita mong pumapanhik at pumapanaog ang mga anghel sa Anak ng Tao.”

Parang naulit kasi kay Nataniel ang panaginip ni Jacob (Genesis 28). Kaya lang imbes na hagdan ang makikita, si Jesus. Siya mismo ang magsisilbing tagapag-ugnay ng langit at lupa. Kung paanong binago ng karanasang iyon ang pagkatao ni Jacob mula sa pagiging mandaraya tungo sa pagiging totoo at matapat, ganoon din ang mangyayari kay Nataniel.

Ang yumaong titser ko sa Pilosopiya, si Fr. Roque Ferriols ang lumikha ng salita para sa ganyang klaseng karanasan: “ANG BULAGANG HETO AKO”.

Totoong sa buhay ng tao, paminsan minsan, parang binubulaga tayo ng Diyos na hinahanap natin. Iyong akala mo malayo siya, walang pakialam, walang naririnig. Iyong akala mo wala siya, nariyan lang pala. Nang walang pasa-pasabi, biglang lilitaw na pabulaga at magsasabing, HETO AKO.

Epiphania ang tawag ng mga Griyego sa ganyang karanasan ng pagpapamalas ng Diyos sa tao. Kung may Nataniel sa simula ng ebanghelyo ni Juan, mayroon ding Tomas sa dulo ng ebanghelyo niya—iyung alagad na nagsabing “Hangga’t di ko mahaplos ang mga sugat niya at maisuot ang mga daliri ko sa tagiliran niya, hind ako maniniwala.” Kaya binulaga rin siya at napaluhod at nagsabing, “Panginoon ko, Diyos ko!”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,228 total views

 32,228 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,884 total views

 46,884 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,999 total views

 56,999 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,576 total views

 66,576 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,565 total views

 86,565 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,392 total views

 7,392 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,522 total views

 9,522 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,522 total views

 9,522 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,523 total views

 9,523 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,519 total views

 9,519 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,392 total views

 10,392 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,593 total views

 12,593 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,626 total views

 12,626 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,980 total views

 13,980 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,076 total views

 15,076 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,285 total views

 19,285 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,003 total views

 15,003 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,373 total views

 16,373 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,635 total views

 16,635 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,328 total views

 25,328 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top