Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 456 total views

Homily for the Feast of the Epiphany, 08 January 2023, Mt 2:1-12

Ang title ng homily na ito ay TRIP TO BETHLEHEM. Ito ang mungkahi kong ipalit sa kasuklam-suklam na larong TRIP TO JERUSALEM. Ito ang isa sa mga madalas gawing fun games sa mga Christmas party. Ewan ko ba kung sino ang umimbento sa “fun game” na ito. “It’s not fun at all.”

Kung sampu ang naglalaro, laging kulang ng isa ang mga upuan na nakapaikot nang pabilog. Pinasasayaw na lumalakad ang mga contestants paikot sa mga upuan habang tumutugtog ang isang kanta. Kailangan listo sila dahil kapag biglang huminto ang kanta, dapat uupo sila. E kulang nga ng isang ang mga upuan so, ano ang mangyayari sa hindi makaupo? Edi talo.

Ang sikreto ng pagpanalo sa larong ito ay simple lang: husay sa pakikipag-unahan, tulakan, o agawan ng puwesto. Kung minsan nga kailangan pang ulitin ang isang ikot kapag dalawa ang napaupo sa iisang silya at tagkakalahati ng puwit nila ang nakapuwesto. Ano bang “values” ang pino-promote ng kasuklam-suklam na larong ito? Ang pinakamagaling sa tulakan at agawan ng pwesto, iyon ang panalo. Iyon ang dapat iluklok sa trono.

Palagay ko kaya tinawag na Trip to Jerusalem ang larong ito ay dahil ang pinagkuhanan ng inspirasyon ay ang kuwento ni Herodes ng Jerusalem sa ebanghelyong binasa natin ngayon. Parang gustong paikutin ni Herodes ang mga bisitang Mago dahil sa takot na maagawan siya ng puwesto ng kapangyarihan.

Ang sabi ni San Mateo nagambala daw o naligalig ang buong Jerusalem dahil sa pagdalaw ng Tatlong Mago o Pantas na taga-silangan. Palagay ko sinadyang laruin ni San Mateo sa kuwento ang pangalan ng siyudad ng JERUSALEM. Galing kasi ito sa salitang Hebreong YERUSHALAIM (‘IR—siyudad; SHALOM—Kapayapaan), ibig sabihin “City of Peace” (Siyudad ng Kapayapaan). Naistorbo ang kapayapaan ng buong siyudad nang dumating ang mga bisita.

Parang nagpapatawa si Mateo, “wise men” o pantas pa mandin ang tawag niya sa tatlo. Mukhang hindi sila ganoon katalino. Sa lahat ba naman ng puwedeng tanungin, si Herodes pa ang tinanong! Nagkamali sila. Nilagay pa tuloy nila sa panganib ang hinahanap nila. At kung i-fast forward natin ang kuwento, ang pagkakamaling ito ang magbubunsod sa malagim na pagpapapatay ni Herodes sa mga “Niños Inocentes” ng Bethlehem.

Pero siyempre, hindi naman natin sila masisi. Wala pa kasing Waze o GPS applications noon na magbibigay sa kanila ng direksyon at magsasabing “You have arrived at your destination.” Kaya sila tinawag na Mago ay dahil marunong daw silang bumasa ng posisyon ng mga bituin sa paglalakbay nila. Big deal na iyon noon, high tech na, kumbaga. Siyempre kung mga bituin sa langit ang nagsisilbing compass nila, edi paano na lang sila kapag maulap o makulimlim at hindi makita ang mga tala? Kung sa Maynila sila napadpad e baka lalo silang naligaw dahil laging natatakpan ng usok ng polusyon ang langit dito sa Kamaynilaan.

Kahit naman Waze o GPS pumapalpak din, di ba? Lalo na kapag namali ka ng liko kahit mayroon nang itinerary si Waze. Siyempre, binago mo kaya magri-recalculate siya. Kapag nagkataong wala pa namang wifi o mahina ang cellular data, patay kang bata ka, maliligaw ka talaga!

Hindi ko rin masisi ang tatlong bisita na sa dami ng pwedeng pagtanungan ay si Herodes pa ang pinagtanungan. Siyempre, “bagong silang (daw) na hari ng mga Hudyo” ang hinahanap nila. Saan pa sila maghahanap ng hari kundi sa palasyo? Kanino nila aasaha na isilang ang isang bagong hari kundi sa pamilya ng mga hari? Iyan ang hirap kapag sumunod lang tayo sa nakasanayan. Saka pa lang nila talaga malalaman na ang hinahanap nila ay kakaibang klaseng hari; hindi sa palasyo nakatira. Tinik ang ikokorona sa kanya, krus ang magiging trono niya. Mga anghel na walang baril ang mga sundalo niya. Kaya siguro sa dulo ng kuwento sabi ni San Mateo nag-iba sila ng direksyon pauwi.

Dito sa mundo, ang mga mahilig maglaro ng TRIP TO JERUSALEM ay mga tipo ni Herodes. Mga haring medyo may topak katulad niya. Alam ng mga taga-Jerusalem, kapag naligalig si Herodes maliligalig din ang buong bansa dahil alam nila may mamamatay na naman. Ang “insecure” at “narcissistic” na haring ito ang champion ng “Trip to Jerusalem”. May track record siya sa pagpatay sa kanyang itinuturing na mga kaaway, mga tipong kaagaw niya sa trono o sa puwesto, o mga tipong kumukwestyon sa kanyang otoridad. Kaya kapalpakan talaga na siya pa ang natanong ng mga bisita.

Ayon sa kuwento ng mga historians, kapag may narinig daw na kuwento si Herodes, kahit tsismis lang na inaagawan siya ng puwesto, walang anak-anak sa kanya; walang asa-asawa, o kapatid, o biyenan o kaibigan. Lahat daw pinapapatay niya kaagad, para mawalan siya ng kaagaw sa upuan. Walang-pami-pamilya sa kanya—eksperto nga kasi siya ng trip to Jerusalem. Unahan, tulakan, agawan ang alam niya—lahat ng paraan na nakasisira ng pamilya.

Kapag walang natutuhan ang mga bata at kabataan na pahalagahan kundi ang “survival of the fittest” o matira ang matibay, kapag walang alam laruin kundi trip to Jerusalem at nasanay sa gulangan, talagang hindi sila matututong bumuo ng pamilya.

Sabi ni San Mateo, mga punong pari at eskriba daw ang kinunsulta ni Herodes at nagbasa pa ang mga ito sa Bibliya para mabigyan ng tamang direksyon ang tatlong bisita. Hindi pala Jerusalem ang destinasyon nila kundi Bethlehem. Salamat na lang at lumitaw muli ang star o nagka-signal muli si waze at nakapag-recalculate. Doon pala sa Bethlehem nila matatagpuan ang Sagrada Pamilya, ang pamilyang hinahanap nila, ang bagong silang na hari na hindi sa palasyo nakatira.

Ito ang pamilyang magiging parang bato-balani na hihigop sa lahat ng bansa sa buong daigdig. Ang pamilyang kahit ni-reject at ayaw patuluyin, ang pamilyang pinagtulakan sa mga laylayan ng lipunan, sila pala ang pamilyang hinahanap ng mga pantas. Ang star pala ng langit ay bumaba sa lupa at siya mismo ang papapel bilang gabay, bilang waze ng sangkatauhan para makita ang tamang direksyon tungo sa siyudad ng kapayapaan. Doon pala nila sa Bethlehem makikilala ang Anak ng Diyos na naging kapamilya ng Tao, upang ang lahat ng tao ay maging kapamilya ng Diyos.

Hindi laro ito kundi totoong buhay. Hindi agawan, tulakan o gulangan ang ituturo ng Trip to Bethlehem. Sa Trip to Bethlehem, hindi mo kailangang mang-agaw ng upuan. Mas panalo ka kapag nagbigay ka ng upuan. Kung gusto mong unawain ka, umunawa ka; kung gusto mong patawarin ka, magpatawad ka. Kung gusto mong bigyan ka, magbigay ka. Kung gusto mong mahalin ka, magmahal ka. Kung gusto mong mabuhay, pag-aralan mong mag-alay ng buhay katulad ng ginawa ng Star of Bethlehem na nagdusa, namatay at muling nabuhay sa Jerusalem para maghatid ng tunay na kapayapaan sa buong daigdig.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,481 total views

 24,481 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,137 total views

 39,137 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,252 total views

 49,252 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,829 total views

 58,829 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,818 total views

 78,818 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,217 total views

 7,217 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,347 total views

 9,347 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,346 total views

 9,346 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,348 total views

 9,348 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,344 total views

 9,344 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,216 total views

 10,216 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,418 total views

 12,418 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,451 total views

 12,451 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,805 total views

 13,805 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,901 total views

 14,901 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,109 total views

 19,109 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,828 total views

 14,828 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,197 total views

 16,197 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,459 total views

 16,459 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,152 total views

 25,152 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top