1,301 total views
Kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagiging mabuting lider ng namayapang si Cardinal George Pell na nagsilbing dating prefect ng Secretariat for the Economy ng Vatican.
Ayon sa santo papa, ipinamalas ni Cardinal Pell ang mahusay na pamamahala sa ipinagkatiwalang tanggapan gayundin ang pagpapastol sa kawan ng manilbihang arsobispo ng Sydney Australia.
“I offer my sincere condolences, remembering with heartfelt gratitude his consistent and committed witness, his dedication to the gospel and to the church, and especially his diligent collaboration with the Holy See in its recent economic reform, for which he laid the foundations with determination and wisdom.” mensahe ni Pope Francis.
Pumanaw si Cardinal Pell sa edad na 81 taong gulang dahil sa cardiac arrest makaraang sumailalim sa hip surgery.
Bago maging opisyal ng Vatican noong 2014 hanggang 2017, nanilbihan itong arsobispo sa Australia.
Kilala ang namayapang cardinal bilang religious conservative hero dahil sa paninindigan laban sa same-sex marriage, euthanasia at aborsyon.
2017 nang magbitiw si Cardinal Pell sa Vatican nang harapin ang kasong pang-aabusong isinampa sa Australia.
Itinuring ng cardinal na solitary confinement ang kanyang pagkabilanggo at mariing kinundena ang sex abuse ng simbahan na maituturing na ‘spiritual and moral cancer.’
Makalipas ang 13 buwang pagkabilanggo nakalaya si Cardinal Pell nang mapawalang sala ng korte dahil sa kawalang sapat na ebidensya laban sa opisyal.