1,634 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mananampalataya sa isasagawang special screening ng documentary film hinggil sa pananampalatayang kristiyano sa bansa.
Ito ang inisyatibo ng Radio Veritas, Radio Veritas Asia at Tourism Promotions Board of the Philippines bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas.
Bilang ikatlong bansa na may pinakamalaking bilang ng mga katoliko sa mahigit 80 porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas ay nararapat na magkaisa ang mananampalataya sa pagsuporta sa mga inisyatibong magpapayabong sa pananampalataya ng tao.
“As one community of Filipino Catholics, please view and support this exclusive cinematic screening for our continued new evangelization initiative,” bahagi ng pahayag ng Radio Veritas.
Tampok sa Historical Documentary Film “THE PILGRIM: 500 Years of Catholic Faith in the Philippines” ang pagsimula ng kristiyanismo sa bansa na dinala ng mga dayuhang misyonero na sa kasalukuyang panahon ay patuloy pinagyayabong ng makabagong henerasyon.
Gaganapin ang special screening sa Fisher Mall Box Office sa Quezon Avenue corner Roosevelt Avenue, Quezon City sa January 18 hanggang 31.
Hinimok ng himpilan ang mamamayan na panuorin ang documentary film upang malaman ang kasaysayan at kung paano lumaganap ang krsitiyanismo sa Pilipinas makalipas ang limang sentenaryo.