Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 391 total views

Feast of Sto Nino Holy Childhood Day Cycle A

Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Mt 18:1-5.10

“Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Ang tanong na ito kay Jesus ng mga alagad ay siya ring tanong natin. Palagi tayong naghahanap tayo ng daan tungo sa kadakilaan pati na sa langit! Nakakabigla ang sagot ni Jesus. Ang dakila ay ang maliit. Less is more. Ang bata ay hindi lang ang dakila. Kailangan tayong tumulad sa mga bata upang makapasok sa kaharian ng langit. Mabigat ang salita ni Jesus: “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos!” Mas lalong matularan natin ang bata, mas dumadakila tayo sa mata ng Diyos.

Ano ba ang katangian ng pagkabata na mahalaga sa Diyos? Ang bata ay hindi nagmamalaki, hindi nagmamayabang, at siya ay mapagtiwala. Wala siyang tinatago kaya hindi siya mapagkunwari. Kailangan natin ang mga katangiang ito sa ating pakikitungo sa Diyos. Malakas ba ang ating tiwala sa Diyos? Umaasa ba tayo sa kanya? Sumusunod ba tayo sa kanya? Ang kasalanan ay pagmamayabang na mali ang Diyos at hindi tayo magiging maligaya kung susunod tayo sa kanya.

Ang pagiging maliit at mapagtiwala ang kadakilaan ng mga bata at iyan din ang kahinaan niya. Dahil sa mahina sila, maliit at mapagtiwala madali silang linlangin, utuin at abusuhin. Kaya sinasabi din ni Jesus na huwag nating hamakin ang mga ito. Ganoon kasama ang pag-aabuso sa mga bata na sabi niya na mas mabuti pang itapon sa dagat na may nakataling malaking bato sa kanyang liig ang gumagawa ng masama at nagbibigay ng masamang halimbawa sa isang bata. Marupok ang mga bata. Pagkaingatan natin sila. Ang sugat at ang lamat na natatanggap nila sa murang edad ay dala-dala nila sa kanilang buhay. Sinasabi ng mga psychiatrist na maraming mga issue natin sa buhay ay nanggaling sa pagtrato sa atin noong tayo ay bata pa.

Malakas ang debosyon nating mga Pilipino kay Jesus na nino, kay Jesus na bata. Kaya ngayong araw ang daming fiesta ng Sto Nino sa buong bansa at kahit na sa ibang bansa kung nasaan ang mga Pilipino. Marahil dahil din ito sa katangian nating mga Pilipino na malambot ang ating puso sa mga bata. Naaakit tayo sa kanila. Naaakit tayo sa Panginoong Jesus bilang bata. Hindi tayo natatakot sa kanya. Pero tandaan natin na dahil si Jesus ay bata huwag lang natin siyang pag-laru-laruan. Huwag natin siyang utu-utuin. Bata nga siya ngunit siya ay ang ating Panginoon. Kaya malahari ang kanyang damit. May korona siya at hawak niya ang setro, isang baston na nagpapahiwatig ng kanyang kapangyarihan. Hawak niya ang daigdig sa kanyang kamay.

Bata siya pero hari siya. Ang kanyang paghahari ay hindi nakakasindak. Hindi siya nakakatakot. Nagdadala siya ng katarungan at katwiran hindi sa pamamagitan ng pananakot kundi ng pang-aakit at ng pagmamahal. Kaya nga kahit na bata si Jesus, sundin at tularan natin siya. Iyan din ang hamon sa atin ng Sto Nino.

Kailangan natin ang hamong ito kasi kahit na katangian nating mga Pilipino na maging malapit sa mga bata, dito sa ating bayan mayroon ding nangyayari ng pang-aabuso sa kanila. Isang madalas na pang-aabuso sa mga bata ay ang pagsisigaw at pagmumura sa kanila. Dahil sa kanilang murang edad nakatatak sa kanila ang tinatawag natin sa kanila. Naaapektuhan ang kanilang paningin sa kanilang sarili kung tinatawag natin silang tanga, tamad, walang pakinabang, pasaway o pini-PI pa. Nandiyan din ang physical abuse.

Oo kailangan ng disiplina ang mga bata pero hindi sa paraang violente o madahas, lalo na kung walang paliwanag bakit sila pinapalo o kinukurot. Huwag natin ibunton ang ating galit o hinanakit sa mga bata. Sinabi ni Jesus: “Ang sinumang tumatanggap sa isang bata dahil sa akin, ako ang tinatanggap.” Isipin natin sa ating pag-aalaga ng mga bata na si Jesus ang inaalagaan natin. Kaya ang mga nag-aalaga ng mga bata – mga magulang, mga lola at lolo, mga ate at kuya at mga yaya – palagi kayong tumawag sa Santa Maria at kay San Jose na tulungan kayo paano mag-alaga sa mga maliliit tulad ng pag-alaga nila kay Nino Jesus.

Mabuti ang pagpalaki ng Banal na Mag-asawa kay Jesus. May disiplina si Jesus sa sarili at matiisin siya dahil sa kanyang mga magulang. Bata pa si Jesus gusto na niyang mapalalim ang kanyang kaalaman sa Bibliya kaya nagpaiwan siya sa templo. Saan nanggaling ito? Sa kanyang mga magulang. Ang pagiging matulungin niya sa mga mahihirap ay nanggaling din sa kanila. Oo, si Jesus ay Diyos pero siya ay tunay ding tao at ang pagkatao niya ay hinubog ng kanyang mga magulang. Humingi tayo ng tulong kay Maria at Jose paano palakihin ang mga anak natin tulad ng pagpalaki nila kay Santo Nino.

Ang isang maaaring makatulong o makapinsala sa pagpapalaki ng ating mga anak ay ang cell phone o ang TV. Huwag nating pabayaan ang mga bata na may cell phone o sa harap ng TV. Akala natin ok ang ating mga anak sa harap ng TV o sa panonood sa cell phone kasi tahimik sila. Ano ang pinanunuod nila? Hindi ba natin alam na na-aabsorb, hinihigop nila ang kanilang nakikita at naririnig doon? Kung violence, kalaswaan o pagmumura ang napapanood nila, iyan ang magiging laman ng utak nila at wala pa silang kakayahang salain ang mabuti at masama. Kaya pagkaingatan natin ang nag-iinfluensiya sa mga bata.

Ang isang mabuting influensiya sa mga bata ay ang pagkukwentuhan sa bahay. Hindi ako lumaki na may telebisyon. Sa probinsiya ako lumaki at dumating ang telebisyon doon ng fourth year high school na ako. Ang magandang mga ala-ala ko ay ang pagkukuwentuhan namin ng nanay ko, ng mga kapatid at kasambahay sa gabi. Gusto kong pakinggan ang mga pangyayari sa aming mga pinsan at mga tito at tita. Doon ko nakilala ang aking extended family. Tinuturuan kami ng aming tatay ng mga asal sa mga kwentuhan sa lamesa kapag kami ay samasamang kumakain. Nandiyan naiinfluensiyahan natin ang mga bata, sa ating mga kwentuhan.

Gusto nating ibigay ang the best sa mga anak natin. Isang the best na mabibigay natin sa mga bata ay ang ating pananampalataya. Imulat natin sila na nagdadasal. Kwentuhan natin sila tungkol sa Diyos at tungkol sa Bible. Dalhin natin sila sa simbahan at isama sa gawain ng simbahan. Hikayatin natin sila na sumama sa katesismo sa simbahan at sa school. Ipakilala natin sila kay Sto Nino. Si Jesus ay kababata din nila. Ipaubaya natin sila kay Sto Nino at turuan silang kausapin si Jesus. Pangarapin natin na ang mga bata ay maging tulad din ng Sto Nino.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,139 total views

 34,139 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,795 total views

 48,795 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,910 total views

 58,910 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,487 total views

 68,487 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,476 total views

 88,476 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,741 total views

 5,741 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,838 total views

 6,838 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,443 total views

 12,443 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,913 total views

 9,913 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,961 total views

 11,961 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,289 total views

 13,289 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,535 total views

 17,535 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,963 total views

 17,963 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,023 total views

 19,023 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,333 total views

 20,333 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,062 total views

 23,062 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,248 total views

 24,248 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,728 total views

 25,728 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,138 total views

 28,138 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,414 total views

 31,414 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top