1,542 total views
Namayapa na ang batikang Filipino Theologian na si Jesuit priest Fr. Catalino Arevalo.
Ayon sa Philippine Jesuits pumanaw ang pari nitong January 18, 2023 dakong 1:45 ng madaling araw sa edad na 97 taong gulang.
Tinaguriang ‘Dean of all Filipino Theologians at Godfather of hundreds of priests’ si Fr. Arevalo dahil sa pagiging mahusay na theologian na naghubog sa mga pari hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Noong Agosto 2009 kasabay ng ikasiyam na pagpupulong ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) ginawaran si Fr. Arevalo ng pagkilala bilang ‘Father of Asian Theology’ sapagkat ito ang nagsilbing theological adviser ng FABC mula nang maitatag noong 1970 habang pinamunuan ang “Theological Advisory Commission” (TAC) mula 1985 hanggang 1995.
Ito rin ang may akda sa final document sa unang FABC Plenary Assembly na ginanap sa Taipei, Taiwan noong 1974 na malaking tulong sa theological orientation ng organisasyon.
Nagbigay pugay din si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay Fr. Arevalo na tinitingalang tagapaghubog ng mga lingkod ng simbahan.
“May this great teacher to whom we owe our love for theological learning and the spiritual discipline of discernment rest in the peace of God’s embraced. I know what was his heart’s most ardent prayer for one of his most beloved students. May the Lord complete his joy by granting his heart’s desire.” bahagi ng mensahe ni Bishop David.
Si Fr. Arevalo ay ipinanganak noong April 20, 1925, pumasok sa seminaryo noong May 30, 1941 at naordinahang pari June 19, 1954.
Bilang isa sa brillian Jesuit Theologians nagsilbi ito sa iba’t ibang institusyon ng simbahan kabilang na ang International Theological Commission sa Vatican.
1997 nang gawaran ng Pro Ecclesia et Pontifice award ang pari dahil sa natatanging paglilingkod sa simbahang katolika.