1,129 total views
Nagdudulot ng labis na kabiguan sa mamamayan ang lumalalang kahirapan sa kasalukuyang panahaon.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Santo Papa Francisco sa pakikipagpulong sa mga Buddhist monk ng Cambodia na bumisita sa Vatican.
Ayon kay Pope Francis, mahalagang magkaisa ang pamayanan at isulong ang paggalang sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, pananampalataya at tradsiyong kinagisnan.
“Poverty and lack of respect for the dignity of the marginalized cause much suffering and disillusionment in our times; they must be fought with comprehensive strategies that promote awareness of the fundamental fragility of our environments.” ani Pope Francis.
Batid ng pinunong pastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo ang kahalagahan ng pakikipagdiyalogo upang makahanap ng mga hakbang na magpapatatag sa pamayanang nakaugat kay Kristo.
Ikinatuwa ng santo papa ang pagdalaw ng mga Buddhist monks lalo’t ipinagdiriwang ang Week of Prayer for Christian Unity na layong isulong ang pagtutulungan ng lipunan sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.
“I am grateful for this visit, which seeks to consolidate your enduring friendship as religious leaders working to enhance interreligious cooperation, an important element of society which enables people to live peacefully as brothers and sisters, reconciled among themselves and to the environment in which they live.” saad ni Pope Francis.
Pinuri ni Pope Francis ang temang ‘Ecological Conversion’ na pinili sa pagtitipon ng mga monk.
Kabilang sa gawain ng mga Buddhist monk ang pakikipagpulong sa Dicastery for Interreligious Dialogue upang talakayin ang iba’t ibang pamamaraan sa pagsusulong ng ecological conversion sa pamamagitan ng mga inisyatibo ng Buddhist-Christian dialogue sa Cambodia at iba pang lugar sa mundo.