Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nanawagan sa pamahalaan ng subsidies para sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 2,136 total views

Nakiisa ang Caritas Philippines sa panawagang suporta ng sektor ng magsasaka sa pamahalaan.

Iginiit ni Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na lubhang kailangan ng mga magsaaka ang financial incentives at subsidies upang tugunan ang krisis sa pagkain sa kasalukuyan.

“The government should provide financial incentives or subsidies to help our farmers grow more onions and lower the cost of production, this will make them more competitive with producers from other countries who are already receiving large subsidies and other forms of support from their government.” ayon sa pahayag ng Obispo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, napapanahon narin ang pagpaparami ng pamahalaan sa mga cold storage facilities upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng ibat-ibang agricultural products.

Naunang umaapela ng tulong sa pamahalaan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) upang maibsan ang pasakit na nararanasan ng mga onion farmers.

Ito ay matapos umabot sa 700-piso ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan noong unang linggo ng Enero ng dahil sa kakulangan ng suplay.

Ayon kay Danilo Ramos – Chairperson ng KMP, mahalagang kagyat na ipatupad ng pamahalaan ang hanggang sa 15-libong pisong financial assistance sa mga magsasaka upang mapalakas ang produksyon hindi lamang ng sibuyas kungdi pati narin ang iba pang lokal na suplay ng pagkain.

“Hirap na kalagayan ng magsasaka ng onions, mataas ang presyo ng abono at cost of production, binabarat ng trader during harvest season, no cold storage para sa magsasaka, dapat may gov’t subsidy (15K/Ha) at mamili ang government directly sa mga farmers.”mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Ramos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 12,069 total views

 12,069 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 31,993 total views

 31,993 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 38,038 total views

 38,038 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 46,545 total views

 46,545 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 54,074 total views

 54,074 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

1

Latest Blogs

1