Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 379 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 19 Enero 2023, Heb 7:25-8:6, Mk 3:7-12

Walang pangalan ang may-akda ng sulat sa ating Unang Pagbasa. Kilala lang natin siya bilang awtor ng “Liham sa mga Hebreo.” Nagtataka lang ako, kung para sa mga Hebreo ito bakit kaya isinulat niya sa salitang Griyego imbes na Hebreo? Para kang sumulat para sa mga Tagalog pero sa wikang Ingles.

May malakas na kutob ako na isang dating pari o saserdote ng templo ang awtor na ito, bago siya naging alagad ni Kristo. Palagay ko nagsulat siya noong nawasak ang templo matapos na lusubin ng mga Romans ang siyudad ng Jerusalem noong 70AD, dahil sa pag-aaklas ng mga Hudyo. Mararamdaman mo sa tono ng awtor na pari siya, gayundin sa bokabularyo at mga halimbawa niya.

May pakiramdam ako na bago pa nawasak ang templo, nagdanas na siya ng krisis sa kanyang pagkapari dahil tumalab sa kanya ang mga salita ni Hesus ng Nazareth. Palagay ko dati siyang kabilang sa mga paring sa una ay nakabangga ni Hesus, lalo na nang gumawa si Hesus ng eksena sa templo at pinagtataboy ang mga nangangalakal doon. Pinakinggan siguro niya nang husto ang mga turo ni Hesus at parang naguluhan siya. Dahil doon, parang nawalan ng kahulugan ang pagkapari para sa kanya.

Alam naman niya na hindi pari si Hesus. Hindi siya galing sa angkan ng mga saserdoteng katulad ni Zacarias. Sa totoo lang, ang mas may karapatan na tawaging pari ay si Juan Bautista.

Alam ng awtor ng Sulat na ito kung ano ang gawain ng pari. “Mediator” baga, o tagapamagitan. Parang tulay sa pagitan ng Diyos at tao. Responsibilidad ng pari ang mag-alay ng sakripisyo sa templo para ihingi ng tawad ang mga taong nagkasala dahil lumabag sa kautusan.

Kumbaga sa pagitan ng mag-asawang hindi magkabati, siya ang counselor na tutulong para mapanumbalik ang relasyon nila sa isa’t isa bilang mag-asawang nagsumpaan. Ang nagtaksil o nagkasala o lumabag sa kasunduan ang humihingi ng tulong sa pari upang mamagitan. Pero matapos niyang mapakinggan si Hesus siguro nasabi niya sa sarili niya, “Paano ako mamamagitan kung makasalanan din akong tao? Ano ang karapatan ko?”

Kaya pala ang mga saserdote sa templo ay naghahandog ng sakripisyo hindi lang para sa kasalanan ng bayan kundi para din sa sariling kasalanan. Kaya kailangan nilang ulit-ulitin ang paghahandog ng sakripisyo, dahil paulit-ulit din ang pagkakasala ng tao o paglabag sa kasunduan.

Dito nakita ng awtor ang pagkakaiba ni Kristo bilang Pari at Tagapamagitan. Hindi siya pari pero niyakap niya ang papel ng kaisa-isang paring pwedeng mamagitan upang makalapit ang tao sa Diyos at ang Diyos sa tao.

Ito ang narinig natin sa ating ebanghelyo. Dumagsa daw ang napakaraming taong pilit na lumalapit kay Hesus. Dahil naririnig nila ang Diyos sa kanya. Pakiramdam nila nahahaplos nila ang Diyos sa kanya at nahahaplos sila ng Diyos sa pamamagitan niya. Bakit? Kasi naliliwanagan sila, gumagaling sila; gumiginhawa ang pakiramdam nila, lumalaya sila sa masasamang espiritu.

Siya lang ang pwedeng pumapel na pari; siya lang ang pwedeng magsilbi bilang tulay. Ang sakripisyo niya ay minsanan—hindi dugo ng hayop kundi sariling dugo. Sa kanya nila nakita ang daan ng kaligtasan, ng mas mabisang pakikipagkasundo, daan ng kapatawaran. Ang daan o hagdan o tulay na ito ay walang iba kundi siya mismo.

Ito ang nagpabago sa paningin ng awtor na ito sa pagkapari. Tinubuan siya ng pag-asa dahil kay Kristo. Oo, makasalanan pa rin tayo; wala pa ring karapatan na mamagitan sa Diyos at sa kapwa-tao. Sa sariling ngalan natin talagang hindi pwede. Pero sa ngalan ni Hesus, pwede! Iyon ang good news!

Kaya pala sa lahat ng panalangin natin ang laging conclusion ay “Hinihiling namin ito sa Ngalan ni Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay kasama mo at ng Espiritu Santo…” Sa kanyang pagkaDiyos puwede niyang iugnay ang Diyos sa tao. At sa kanyang pagkatao, pwede niyang iugnay ang tao sa Diyos. Di ba sinabi ni San Pablo sa sulat niya sa mga taga-Filipos: siya ang Diyos na nagpakumbaba at naging kawangis ng tao, nagpakababa hanggang kamatayan sa krus. Kaya daw itinaas siya ng Diyos at binigyan ng “pangalang higit sa lahat ng mga pangalan.” (Filipos 2:1-11)

Sa sariling ngalan natin, hindi natin kayang mamagitan. Pero sa ngalan ni Hesus, pwede. Kaya pala sinasabi ng manunulat: hindi man tayo pari, pwede tayong makipagkaisa sa pagkapari niya at mamagitan sa ngalan niya, basta nakaugnay tayo sa kanya na parang mga sanga ng iisang puno. Pero hiwalay sa kanya, wala tayong magagawa.

Ito ang dahilan kung bakit madalas kong sinasabi sa inyo na mali na ituring nating mababa ang ating pagkatao. Mataas ang dangal ng tao. Kalarawan tayo ng Diyos. At lalo pa nyang itinaas nang magkatawang-tao ang Diyos kay Kristo. Hindi na pagsunod lang sa batas ang magpapanumbalik sa ating dangal, kundi ang pagsunod kay Kristo bilang ating kaibigan at kapanalig. Pakikipagkaisang puso at diwa sa kanya, ang Anak ng Diyos na yumakap sa atin bilang kanyang mga kapatid upang matuto tayong tumawag sa kanyang Ama bilang ating Ama.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,789 total views

 31,789 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,445 total views

 46,445 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,560 total views

 56,560 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,137 total views

 66,137 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,126 total views

 86,126 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,383 total views

 7,383 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,513 total views

 9,513 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,513 total views

 9,513 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,514 total views

 9,514 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,510 total views

 9,510 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,383 total views

 10,383 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,584 total views

 12,584 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,617 total views

 12,617 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,971 total views

 13,971 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,067 total views

 15,067 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,276 total views

 19,276 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,994 total views

 14,994 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,364 total views

 16,364 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,626 total views

 16,626 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,319 total views

 25,319 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top