1,339 total views
Pinaalalahanan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na lahat ay tinatawagang maging misyonerong magbabahagi ng Salita ng Diyos sa pamayanan.
Sa pagdiriwang ng Sunday of the Word of God, binigyang-diin ng pinunong pastol ng Simbahan na dapat isabuhay ng mananampalataya ang Salita ng Diyos sa pagtataguyod ng katarungan at pagkakawanggawa sa kapwa.
Ayon sa Santo Papa, nawa’y sa pamamagitan ng mga Salita ng Diyos ay mabigyang pag-asa ang mga nalulumbay dulot ng mga pagsubok sa buhay.
“This is our mission: to become seekers of the lost, oppressed and discouraged, not to bring them ourselves, but the consolation of the Word, the disruptive proclamation of God that transforms life, to bring the joy of knowing that He is our Father,” pahayag ni Pope Francis.
Pinasalamatan din ng santo papa ang mga tagapagpahayag ng Salita ng Diyos kabilang din ang mga nag-aaral ng bibliya, katekista at mga lector ng mga parokya.
“Thank you to those who have accepted the many invitations I have made to take the Gospel with them everywhere and to read it every day,” saad ng Santo Papa.
Hinikayat din ni Laoag Bishop Renato Mayugba, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang mga Pilipino na bigyang halaga ang Salita ng Diyos sapagkat ito ang gabay sa paglalakbay ng mamamayan tungo sa landas ni Hesus.
Sa Pilipinas, ipinagdiwang ang National Bible Month tuwing Enero -tema ngayong taon ang “The Word leads to the Way, the Truth, and the Life,” na hango sa sipi ni San Juan at Propeta Isaias.