1,270 total views
Lubos na nagpapasalamat si Father Rolando Garcia Jr. sa kaniyang bagong misyon.
Ito ay matapos pangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatalaga sa Pari bilang bagong chaplain ng Sacred Heart Chapel sa Rockwell Makati at Spiritual Director ng San Carlos Seminary sa Guadalupe.
Ayon kay Fr.Garcia, katangi-tangi ang pagkakataon na iginawad ng Arsobispo ng Maynila na ipalaganap ang pananampalataya maging sa mga lugar pasyalan katulad ng mga malls.
“Under the direction ng ating mahal na Cardinal, sa tulong ng ating mga kapatid na pari at higit sa lahat ang pagmamahal at suporta ng rockwell community. Ito ay isang phenomenon dito lang sa Pilipinas na at least now na nakikita natin na sa mga lugar kung saan pumupunta ang mga tao para magpahinga, magsaya ay may pagkakataon sila na makasama ang Diyos, so God is always present and yun ang ibinibigay ng mga mall chapels na opportunity na ang Diyos ay matatagpuan kahit saan.” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Father Garcia
Tiniyak din ni Fr.Garcia ang kahandaan bilang Spiritual Director ng mga seminaristang nag- aaral sa San Carlos Seminary upang higit na malinang at mapalalim ang pananampalataya ng mga kabataang naghahanda upang maging mga pastol ng simbahan.
“Ang future ng simbahan ay nakasalalay sa mga kabataan na tumutugon ngayon para sa pagpapari, and malaki yung ugnayan ng pagpapari at saka ng Sacred Heart sapagkat doon naman tayo hinuhubog, hinuhubog tayo sa puso ni Hesus so as I minister here in the Chapel of the Sacred Heart I keep in mind my important work as a guide, spiritual guide ng mga batang nagnanais na sumunod sa Diyos at sana dito sa Rockwell ay makabingwit ng nagnanais tumugon sa tawag ng Diyos.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Garcia.
Sa ginanap na installation ni Fr.Garcia ay dumalo si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.