1,232 total views
Umaapela ng patuloy na panalangin at suporta ang Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa hinaharap na kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Council.
Ayon sa pamunuan ng RMP, mahalaga ang panalangin at pakikiisa ng bawat isa upang mapawalang sala ang organisasyon sa kasong pakikipag-ugnayan at pakikisangkot sa mga komunistang grupo.
Buo ang tiwala ng mga kasapi ng R-M-P sa paggabay ng Panginoon sa kanilang misyon para sa mga mahihirap na sektor sa bansa.
“We have more “goliaths” to slay, especially as we push back against false testimony levied against us under the Anti-Money Laundering Council; however, our faith remains in God. God’s providence and our calling to serve the rural poor will continue to sustain us for the legal and bureaucratic battles ahead. Our joy and gratitude overflow for all those who journey with us, in these difficult times. Thank you for standing with the Rural Missionaries of the Philippines!,” opisyal na pahayag ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP).
Ibinahagi ng R-M-P sa Radio Veritas na nakatakda ang pagdinig sa kasong isinampa laban sa organisasyon sa ilalim ng Anti-Money Laundering Council sa ika-25 ng Enero, 2023 sa Manila Trial Court.
Ipinagdarasal R-M-P ang patuloy paggabay ng Panginoon sa organisasyon sa pagharap nito sa pagsubok na nagsisilbing hamon sa misyon na maging daluyan ng habag, awa, biyaya at pagmamahal ng Panginoon para sa mga nangangailangan.
“Our next hearing under the Anti-Money Laundering Council’s civil-forfeiture proceedings is scheduled January 25, 2023 at the Manila Trial Court. Please continue to pray with us for these legal battles, for our ministries, and for the communities where we serve. We push forward in GOOD FAITH, onward in the journey with the rural poor towards justice, peace, and the integrity of Creation!,” dagdag pa ng RMP.
Ilang opisyal at kasapi ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang kinasuhan ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 dahil sa alegasyon ng pagpopondo CPP-NPA.
Ang RMP ay isang organisasyon ng mga taong-simbahan na 53-taong ng isinasakatuparan ang misyon na makiisa sa panawagan ng mga magsasaka hinggil sa katarungang panlipunan.
Matatandaang noong ika-9 ng Enero, 2023 kabilang si Sister Elenita ‘Elen’ Belardo, National Director ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa mga napawalang sala sa kasong perjury na isinampa ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon.