1,709 total views
Nanawagan sa pamahalaan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CPCP-ECMI) na tulungan ang naiwang pamilya ni Jullebee Ranara na makamit ang katarungan.
Si Ranara ay napaslang ng anak ng kaniyang employer noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Vice-chairman ng CBCP-ECMI, mahalagang mapanagot ng pamahalaan ang primary suspects at mga maaring naging sangkot sa pagpaslang kay Ranara.
“It is very sad, tragic news, a life is brutally, cruelly taken, itt is inhuman, a crime, Jullebee Ranara would be at peace, at rest if justice is served, she is a person, a human being, she came just to work, thinking of the welfare of her four children, dreaming of a better life for her family and she suffered, her life ended at the hand of the 17 year old son of her employer, they should be held accountable for her death, Blood is on their hands” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ipinaalala naman ng Obispo na ang bawat buhay ay mahalaga.
Hinimok ng Obispo ang pamahalaan na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers upang higit na maisulong ang kanilang karapatan at mapangalagaan ang kanilang buhay.
Inihayag ni Bishop Santos na mag-aalay ang simbahan ng mga misa para sa eternal rest ni Ranara at kaligtasan ng mga OFW.
” We pray and offer our Holy Masses, we also ask our Chaplains to do the same for the eternal rest of Jullebee Ranara, May she find comfort and peace with God, may our God strengthen her family and grant to them the necessary graces and gifts for their good and secured life, we pray for our OFWS especially those in great difficulty and in dire need that in God’s mercy and power they will surpass all those things, be saved and for a change of heart of their employers,” ayon pa sa pananalangin ni Bishop Santos para kaligtasan ng mga OFW na nagtatrabahao sa ibayong dagat.
Biyernes ng dumating sa Pilipinas ang mga labi ni Ranara.
Una ng tiniyak ng Department of Migrant Workers at iba pang mga sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW ang pagtulong sa pamilya ni Ranara, kasabay ito ng masusing imbestigasyon upang makamit ng napaslang na domestic worker ang katarungan.