2,582 total views
Nais ng Santo Papa Francisco makipagpulong sa mga internally displaced person upang maipadama ang diwa ng pag-ibig ng Panginoon.
Ito ang ibinahagi ng santo papa sa general audience sa Vatican batay sa kanyang karanasan sa pagdalaw sa Democratic Republic of Congo at South Sudan kamakailan.
“I wished to meet a large group of internally displaced persons, to listen to them and to make them feel Christ’s closeness,” pahayag ng Santo Papa Francisco.
Ikinalungkot ni Pope Francis ang paghihirap ng mga biktima ng karahasan, kahirapan na sanhi ng malawakang kagutuman sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Batid ng santo papa na sa 11 milyong katao sa Sudan nasa dalawang milyon ang napilitang tumakas sa mga karatig bansa para sa kaligtasan at makapaghanapbuhay.
Hinimok ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan at maging religious organizations na palawakin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga maralitang sektor ng lipunan kabilang na ang mga IDP’s upang maramdaman ang pakikiisa ng komunidad sa kanilang pinagdadaanan.
Sa Pilipinas pinaiigting ng mga social action arm ng simbahan ang iba’t ibang programang kapaki-pakinabang sa pamayanan tulad ng mga gawain ng Caritas Manila na tumutulong sa mamamayan sa pamamagitan ng education, servant leadership training at livelihood programs.