2,114 total views
Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin ang Philippine National Police sa mga biktima ng 7.8 magnitude earthquake sa Turkiye at Syria.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., labis na nakakalungkot ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima ng malakas na pagyanig kung saan umabot na sa higit 34-libong katao ang naitalang nasawi.
“Our hearts go out to those who were injured and all the families who have lost their loved ones. We stand in solidarity with them in these times of need,” bahagi ng pahayag ni Azurin.
Sinabi naman ni Azurin na patuloy ang pagsuporta ng pamahalaan ng Pilipinas upang mapadali ang search and rescue operations sa mga natabunan ng mga gumuhong gusali.
Gayundin ang pagpapadala ng mga tulong para sa pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.
“The Philippines is joining the other nations in offering aid and support to the affected communities,” ayon kay Azurin.
Noong Pebrero 8, 2023 ay nagtungo sa Turkiye ang nasa 87-uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines upang tumulong sa humanitarian aid mission.
Kabilang rin dito ang 31 kawani ng Department of Health at dala ang 16-toneladang medical supplies at medicines bilang tulong sa mga biktima.
Kaugnay nito’y umapela rin ng tulong at panalangin ang Aid to the Church in Need-Philippines para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Turkiye at Syria.