1,859 total views
Ikinalungkot ng opisyal ng Radio Veritas na mas binibigyang pansin ang karangyaan sa pagpapakasal.
Ito ang mensahe ni Radio Veritas President Anton Pascual kaugnay sa resulta ng Veritas Truth Survey hinggil sa mga hadlang ng pagpapakasal sa simbahan kung saan nangungunang dahilan ang gastos.
Sa isinagawang pag-aaral sa 1, 200 respondents sa bansa 32 porsyento ang nagsasabing ‘cost’ ang pinakahadlang sa pagpapakasal, 24 na porsyento sa Requirements, 16 na porsyento sa Process at Interview, walong porsyento sa Attire, anim na porsyento sa Conflict of Faith habang 14 na porsyento ang undecided.
“The real reason for a church wedding is to celebrate a solemn Sacrament; and as a religious ceremony it acknowledges that marriage is an act of God. Sadly, the survey reveals that a Church wedding is being associated with opulence which may not be the case,” ayon sa pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.
Batay sa resulta ng pagsaliksik 38 porsyento ang mga lalaking nagsasabing gastos ang pangunahing usapin sa pagpapakasal habang requirements naman ang dahilan ng mga babae sa 24 percent.
Iginiit ni Fr. Pascual na hindi dapat marangya ang pagpapakasal kundi ang kahandaan ng bawat isa sa pag-aasawa alisunod sa kristiyanong pamamaraan.
“Weddings may be celebrated in a simple yet meaningful and blessed manner. What matters most is that marriage is not a contract between a man and a woman, but a covenant between three. The third partner is Christ, and when He is given no room in a marriage, there can be no assurance for a happy Christian home,” giit ni Fr. Pascual.
Sa ensiklikal ni Pope Pius XI na Casti Connubii binigyang diin na ang pag-aasawa ay sagrado sapagkat ito ay pakikipagtipan ng tao sa Diyos kaya’t mahalagang magkasundo ang bawat panig sa pagtanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib.