4,255 total views
Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang trahedya na tulad ng lindol ay natural na kalamidad.
Paliwanag pa ni Archbishop Brown, ito ay nagpapaalala sa bawat isa na kinakailangan natin ang Panginoon sa ating buhay.
“Any kind of natural disaster like this one helps us to realize and understand the precariousness of human existence the fact that we are fragile and we need to rely on God,’’ ayon pa sa arsobispo.
Hinikayat naman ng nuncio ang bawat mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kanilang kalagayan, gayundin ang kalakasan ng mga patuloy na naghahanap ng mga maililigtas mula sa mga gumuhong bahay at gusali na dulot ng lindol.
“We pray for these poor people and we also pray for the work of the rescuer, they spent so many days that is probably be unlikely if anyone else can be found alive but you never know because miracles do happen,” dagdag pa ni Archbishop Brown.
February 6 nang yanigin ng 7.8 magnitude na lindol ang Turkiye at Syria na nasundan pa ng isang malakas na pagyanig kung saan hindi bababa sa 30-libong katao ang naitatalang nasawi mula sa dalawang bansa.
Kasama din sa bilang ng mga nasawi ang dalawang Filipino workers mula sa Turkey.
Inilunsad naman ng iba’t ibang charitable institution ng simbahan ang panawagan para sa pagtulong sa mga biktima ng lindol kabilang na ang Pontifical Missionaries, Caritas International, at Caritas Philippines.