3,761 total views
Binalikan ng kauna-unahang rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine ang dahilan sa pagkakatatag sa dambana mahigit 30-taon na ang nakakalipas.
Sa pagninilay ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas para sa ikatlong araw ng Misa Nobernaryo sa kapistahan ng dambana at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay binalikan ng arsobispo ang tunay na diwa pagkakatatag sa EDSA Shrine.
Ayon kay Archbishop Villegas na nagsilbing secretary ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, itinatag ang EDSA Shrine upang magsilbing paalala sa apat na araw na mapayapang rebolusyon noong February 22 to 25, 1986 kung saan matapang na hinarap ng mga Pilipino ang panganib upang makamit ang kalayaan ng bansa mula sa diktadurya.
“This shrine was built in order to remember the 4-memorable dangerous days in our history February 22 to 25, 1986. It was built to remember our 4-dangerous days… It was built on danger, it was built to remember the dangerous lives that we faced not with cowardice but with great heroic courage,” pagninilay ni Archbishop Villegas.
“PIETY AND ACTIVISM ARE NOT CONTRADICTORY, THEY COMPLEMENT EACH OTHER”
Binigyang-diin ni Archbishop Villegas ang maituturing na problema sa pagpapatuloy ng misyon ng dambana na itinatag noong 1989 o 3-taon makalipas ang naganap na EDSA People Power Revolution.
Pagbahagi ng Arsobispo, taliwas sa diwa ng misyon ng mga nagtatag sa dambana ay tila nawalan ng naaangkop na balanse ang pagiging banal at aktibong pakikisangkot ng mamamayan sa mga nagaganap sa lipunan, habang ang mga aktibista naman na nagsusulong ng katarungang panlipunan ay hindi na rin nananalangin at malapit sa Simbahan.
Paliwanag ng Arsobispo, ang pagiging banal na lingkod ng Simbahan at pagiging aktibista o aktibong pakikisangkot sa mga suliraning panlipunan ay hindi dapat na ituring na magkasalungat sa halip ay isang pambihirang kumbinasyon na dapat na mabalanse ng bawat isa.
“Looking back from far away Pangasinan, I can say the EDSA Shrine has problems. You know what is the problem here? The pius are not activists enough and the activists are not praying enough, that is our problem. When we envisioned EDSA Shrine in 1989, it was supposed to be a combination of piety and activism; and piety and activism are not contradictory they complement each other,” dagdag pa ni Archbishop Villegas.
Giit ng Arsobispo, dapat na maunawaan ng mga aktibista na may mga bagay at suliraning panlipunan na hindi basta malulutas o mababago sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga rali o demonstrasyon sa halip ay kinakailangang ipanalangin sa Panginoon.
Sa kabilang banda nilinaw din ni Archbishop Villegas na hindi sapat ang pananalangin ng mga banal upang maisakatuparan ang misyong iniatang ng Panginoon sa bawat isa na maging aktibong tagapangalaga hindi lamang ng kalikasan kundi maging ng kapwa.
“We activists must remember that there are problems in life, there are problems in society that only prayer can solve. We activists must learn to accept that not everything can be changed by rallies, by demonstrations. On the other hand we pius people should also accept that we cannot go to heaven by prayer alone, when piety has no activism it is lacking, when activism has no piety it will not be able to liberate, so this is what the EDSA Shrine stands for and this is what we started in 1989 when the Archbishop of Manila [then Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin] assign me here,” ayon kay Archbishop Villegas.
Umaasa ang Arsobispo na maunawaan ng bawat isa na kaakibat ng pagiging isang Kristiyano ang pagiging mulat sa mga tunay na nagaganap sa bansa sa kabila ng anumang banta ng pagkakaroon ng lamat sa mapayapang relasyon ng Simbahan at ng pamahalaan.
Pagbahagi ni Archbishop Villegas, “We dreaded the difficult balancing act between piety and activism, and there should really be that balance, we cannot play blind to the problems of society just for the sake of making peace with the government, on the other hand we cannot seek peace and compromise moral Christian principles.”
Paliwanag ng Arsobispo, malaki ang gampanin ng kasalukuyang henerasyon upang ipagatuloy ang misyon ng EDSA People Power Revolution na isang paalala at hamon sa bawat isa para sa patuloy na paninindigan sa demokrasya, mabuting pamamahala, katarungang panlipunan at kapayapaan sa bansa.
Hamon ni Archbishop Villegas, “EDSA Shrine community be pius activists, be engaged and prayerful activists. Activism must come from prayer and prayer must lead to social engagement, it is a very tricky path but you can make it happen by the grace of God”.