Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itaguyod ang dignidad ng tao

SHARE THE TRUTH

 774 total views

Mga Kapanalig, tututulan ng ilang kaalyadong senador ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimulang muli ng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa alegasyong crimes against humanity ng administrasyon ng dating pangulo. Sakop ng imbestigasyon ng ICC ang mga kaso ng pagpatay at extrajudicial killings noong alkalde pa si dating Pangulong Duterte ng Davao City mula Nobyembre 2011 hanggang June 2016. Iimbestigahan pati ang mga pagpatay sa ilalim ng kanyang “war on drugs” mula July 2016 hanggang March 16, 2019, isang araw bago umalis ang Pilipinas sa Rome Statute, ang kasunduang pinagbabatayan ng ICC.

Para kina Senador Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, at Francis Tolentino, kawalan ng paggalang sa pamahalaan ang imbestigasyong gagawin ng ICC. May sapat na kakayahan naman daw ang sistemang pangkatarungan sa bansang papanagutin ang mga maysala. Naghain sila ng mga resolusyon sa senado upang pigilan ang pagbabalik-imbestigasyon ng ICC. Sa resolusyong inihain ni Senador Padilla, dinepensahan niya ang dating pangulo at sinabing kailangan ang paglaban sa iligal na droga upang makamit ang tunay paglago at kaunlaran sa bansa. Para naman kay Senador Estrada, ang apat na criminal cases na isinampa ng Department of Justice at Philippine National Police (o PNP) sa mga abusadong pulis ay patunay na pursigido ang pamahalaang papanagutin sila. Nanindigan din si Senador Tolentino sa kanyang posisyong hindi kailangan ang imbestigasyon ng ICC. 

Sa kabila ng mga ito, kinakapitan ng pag-asa ng mga pamilyang naulila sa madugong giyera laban sa iligal na droga ang imbestigasyon ng ICC. Ayon sa PNP, nasa anim na libo ang napatay sa kanilang mga operasyon upang sugpuin ang iligal na droga. Malayo ito sa dalawpu’t pitong libong tala ng iba’t ibang grupong nagsusulong ng karapatang pantao sa bansa. Karamihan sa mga biktima ay mahihirap. Patuloy na nagdalamhati at naghahangad ng hustisya ang kanilang mga naiwan.  

Isa sa mga umaasa sa imbestigasyon ng ICC si Khristine Pascual, ina ni Joshua Laxamana, isang menor de edad na napaslang noong 2018 dahil “nanlaban” daw siya sa operasyon ng mga pulis.  Kuwento ni Khristine sa isang pahayagan noong isang linggo, limang araw nang nawawala si Joshua nang puntahan siya ng mga pulis sa kanyang pinagtatrabahuhan upang ibalitang pumanaw na ang kanyang anak. Nagtamo si Joshua ng anim na tama ng baril. Hindi naman naniniwala si Khristine sa mga ibinibintang sa kanyang anak. Nagsampa siya ng mga kaso laban sa mga pulis na umabot pa sa Supreme Court. Na-dismiss ang mga kaso. Ani Khristine, paanong hindi sila aasa sa ICC kung para nang tinuldukan ang mga kaso, samantalang hindi pa nila nakakamit ang tunay na hustisya. Dagdag pa niya, isa sa mga nagbibigay pag-asa sa kanila ang imbestigasyon ng ICC. Lahat silang mga ulilang ina sa giyera kontra iligal na droga ay kumakapit dito nang mahigpit.

Malinaw ang posisyon ng Simbahan laban sa pagpatay. Sagrado ang bawat buhay ng tao. Nakabatay ito sa dignidad ng bawat isang taong nilikha sa wangis ng Diyos. Ayon nga sa Roma 8:39, “kahit anumang bagay ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.” Walang anumang kasalanan o pagkakamali ang maaaring maging dahilan upang maalis ang ating halaga bilang tao. Katulad ng pag-ibig ng Diyos para sa atin, walang hanggan ang posibilidad na magbago ang sinuman. 

Mga Kapanalig, walang pagpaslang sa ngalan ng paglago o kaunlaran ang mabibigyang katuwiran. Ang imbestigasyon ng ICC ay hakbang upang papanugutin ang mga lumapastangan sa dignidad ng tao. Sa halip na pigilan ito, dapat itong suportahan lalo na ng ating mga lingkod-bayan. Ang katapatan ng mga lingkod-bayan ay dapat nasa taumbayan. Kung nakakaligtaan nila ito, huwag nawa tayong mangiming ipaalala sa kanilang ang pagtataguyod sa ating dignidad ang dapat na prayoridad nila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 44,263 total views

 44,263 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 55,338 total views

 55,338 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,671 total views

 61,671 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 66,285 total views

 66,285 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,846 total views

 67,846 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 44,264 total views

 44,264 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 55,339 total views

 55,339 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 61,672 total views

 61,672 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 66,286 total views

 66,286 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 67,847 total views

 67,847 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,014 total views

 44,014 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,675 total views

 66,675 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,251 total views

 72,251 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,732 total views

 77,732 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,845 total views

 88,845 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,844 total views

 84,844 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,546 total views

 72,546 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,028 total views

 81,028 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,087 total views

 74,087 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,011 total views

 81,011 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top