2,402 total views
Nagpahayag ng suporta ang Missionary Disciples of Jesus (MDJ) kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa naging red-tagging sa Obispo ng isang programa ng SMNI noong ika-22 ng Pebrero, 2023.
Sa isang opisyal na pahayag ay binigyang diin ni Rev. Fr. Wilfredo T. Dulay, mdj – coordinator general ng Missionary Disciples of Jesus ang suporta kay Bishop Alminaza laban sa mali at walang katotohanang alegasyon ng pagkakaugnay at pagsusulong sa ideyolohiya ng komunistang grupo sa bansa.
“We, the Missionary Disciples of Jesus, take pride of place in defending our benevolent bishop, Msgr. Gerardo Alminaza, from the slanderous allegations of the co-hosts of SMNI’s television program ‘Laban Kasama ang Bayan’ (cf the February 22, 2023 segment).” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Wilfredo T. Dulay, mdj.
Ayon kay Fr. Dulay, hindi katanggap-tanggap ang ginawang red-tagging at pagkakalat ng mga maling impormasyon laban sa Obispo na may dalisay na intensyon at pagnanais na isulong ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Ipinaliwanag ng Pari na hindi biro ang banta at kapahamakan na maaaring idulot sa nagaganap na red-tagging sa laban sa mga human rights and peace advocates na tagapagsulong ng kapayapaan, karapatan at katahimikan sa bansa.
“Red-tagging Bp Gerry’s advocacy of true and lasting peace for our country as ‘diabolical’ could pass for ridiculous, were it not extremely malicious, dirty and dangerous. Ironically, the SMNI’s hosts are the ones making use of the devil’s playbook, actually a glossary of lies, subtle and otherwise. They were doing exactly what they were falsely accusing the bishop. Most seriously, would they take responsibility for putting Bp Gerry – a humble servant of God and his people, an ardent advocate of peace – in the crosshairs of crooked criminal minds?” Dagdag pa ni Fr. Dulay.
Inihayag ng organisasyon na nakapanghihinayang ang patuloy na pagpapalaganap ng kasinungalingan at red-tagging sa pamamagitan ng himpilan ng SMNI ay sumasalamin sa kawalan ng kredibilidad ng istasyon at isang halimbawa ng maling paggamit ng pambihirang kapangyarihan ng media.
Partikular na pinuna at inugnay ng mga host ng isang programa ng SMNI si Bishop Alminaza sa mga komunistang grupo dahil sa kanyang inilabas na Lenten Statement bilang Convenor ng Pilgrims for Peace kung saan binigyang diin ang pagpapalaya sa mga political prisoners at pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines.